Vicki Belo, naging emosyonal matapos panoorin ang 'Call Me Mother' ni Vice Ganda
- Napaiyak ang sikat na celebrity doctor na si Vicki Belo matapos panoorin ang bagong pelikula ni Vice Ganda na "Call Me Mother"
- Inamin ni Vicki na labis siyang na-touch sa ganda ng kwento at sa husay ng mga aktor sa pelikula
- Dahil sa hindi matigil na pag-iyak ni Vicki, pabirong nag-react si Vice Ganda at sinabing ngayon lang niya nakita ang doktor na ganun
- Pinuri ni Vicki ang mensahe ng pelikula na nakaka-inspire at nagpapakita ng iba't ibang pananaw ng bawat character
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi napigilan ni Dra. Vicki Belo ang maging emosyonal matapos mapanood ang pinakabagong pelikula ni Vice Ganda na "Call Me Mother." Sa isang video na kuha mula sa sinehan, makikita ang doktor na tila hirap pa ring tumigil sa pag-iyak habang hawak ang kanyang panyo.

Source: Instagram
"Thank you, thank you for such a beautiful experience. It really touches our hearts," ani Vicki habang kausap ang Unkabogable Star.
Ayon sa kanya, hindi ito mukhang pag-arte lamang dahil sa sobrang galing ng buong cast ng Call Me Mother.
"It doesn't look like acting. Everything's so good, everyone's so nice," dagdag pa niya habang patuloy na pinupunasan ang kanyang mga mata.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil sa matinding reaksyon ni Vicki, hindi napigilan ni Vice Ganda na magbiro tungkol sa celebrity dermatologist.
"Parang ito yung first time na nakita kitang ganyan. Last year nakaka-iyak din pero hindi ka naman umiyak nang ganyan," nakangiting sabi ni Vice habang inaalalayan ang doktor. Nakisawsaw rin sa tawanan ang mister ni Vicki na si Hayden Kho na kasama rin niya sa panonood.
Paliwanag ni Vicki, ang ganda ng mensahe ng pelikula dahil nauunawaan ng mga manonood ang pinagdadaanan ng bawat panig.
"You understand her side, you understand her side, you understand the son's side," pagbabahagi ni Vicki.
Para sa kanya, ang pelikulang ito ay isa sa mga dapat panoorin dahil sa dami ng aral at inspirasyong ibinibigay nito sa mga manonood.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Vicki Belo ay isang kilalang dermatologist, negosyante, at media personality. Noong 1990, itinayo niya ang kanyang unang clinic sa Makati, kung saan siya ang nanguna sa pagpapakilala ng liposuction at laser treatments sa bansa. Pinalawak niya kalaunan ang negosyo at itinatag ang Belo Medical Group, na ngayon ay may higit 15 branches sa buong Pilipinas. Kilala si Dra. Belo hindi lamang sa kanyang makabagong ambag sa larangan ng aesthetics kundi pati na rin sa kanyang personal na paglalakbay. Noong 2016, nalampasan niya ang Stage 3 Br*ast Cancer at ipinagdiwang ang kanyang pitong taon ng remission noong 2023. Bukas niyang ibinahagi kung paano siya sinuportahan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay inamin ni Vicki Belo na paminsan ay isinusumbong niya si Alex Gonzaga. Aniya Vicki, may mga oras na kailangan niyang i-contact si Toni Gonzaga. Say kasi ni Vicki sa vlog, may mga panahong hindi kasi siya pinapakinggan ni Alex. Marami naman ang naaliw sa rebelasyon na ito ng kilalang celebrity dermatologist.
Samantalang noong taon din na iyon ay nilinaw ni Dra. Vicki Belo ang mga usapin ukol sa nose implant removal ni Alex Gonzaga. Aniya ng celebrity dermatologist, hindi raw "rejection" ang nangyari sa kilalang aktres. Sa video, ibinahagi pa nga ni Vicki ang ginamit nilang implant kay Alex na 'Gore-Tex', "Usually pag rejection, masakit siya, very tender."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

