Eric Quizon, dinepensahan ang legacy ng amang si Dolphy
- Dinepensahan ni Eric Quizon ang legacy ng kanyang yumaong ama, ang Comedy King na si Dolphy, laban sa mga critics
- Binigyang-diin ni Eric na ang mga pelikula ng kanyang ama ay laging nakasentro sa kahalagahan ng pamilya at pagmamahal
- Aniya Eric, naniniwala siya na malaki ang naging kontribusyon ng kanyang yumaong ama
- Hindi sang-ayon ang aktor sa mga nagsasabing walang "substance" ang mga gawa nito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang panayam sa PEP na iniulat din ng ABS-CBN, buong tapang na nagsalita ang aktor at direktor na si Eric Quizon para protektahan ang dangal at legacy ng kanyang yumaong ama na si Rodolfo Vera Quizon, o mas kilala bilang si Dolphy.

Source: Instagram
Ginawa ni Eric ang pahayag matapos muling lumitaw ang mga usap-usapan tungkol sa yumaong aktor at kung bakit hindi pa rin ito kinikilala bilang 'National Artist.' Aniya Eric, may mga kritiko raw na pilit minamaliit ang mga pelikula ng kanyang ama.
"Sinasabi kasi nila ang mga pelikula ng daddy ko raw walang substance, walang laman, puro slapstick," pagbabahagi ni Eric.
Ngunit ayon sa ulat ng ABS-CBN, mariin itong tinanggihan ng aktor dahil naniniwala siyang may mas malalim na mensahe ang bawat proyektong ginawa ni Dolphy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Eric, kung panonoorin nang mabuti ang mga pelikula ng kanyang ama, makikita ang mga values na malapit sa puso ng mga Pinoy.
"Pag pinanood mo ang pelikula ng daddy ko, parating he talks about family and kids at pagmamahal," paliwanag niya. Dagdag pa ni Eric, "Parating may family, may touch na ganun... my dad gives importance to family."
Para kay Eric, sapat na ang naging ambag ng kanyang ama na maghatid ng ligaya sa maraming henerasyon ng mga Pilipino para ituring itong isang mahalagang legacy.
"Ang kontribusyon ng daddy ko sa bansa natin, napatawa niya, napasaya niya, kahit sa sandali, sa panonood sa kanya," pagtatapos ni Eric sa kanyang madamdaming pagtatanggol sa amang labis niyang minamahal.
Si Eric Quizon ay isang batikang aktor, direktor, at producer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Anak siya ng tinaguriang 'Comedy King' na si Dolphy at nakilala sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na sa mga pelikula at teleseryeng nagbibigay-diin sa drama at komedya. Bukod sa kanyang mga natatanging pagganap, si Eric ay hinangaan din dahil sa kanyang likas na talento sa likod ng camera bilang direktor at producer ng iba't ibang proyekto sa telebisyon at pelikula. Bukod sa kanyang kontribusyon sa sining, kilala rin si Eric bilang tagapagsalita ng pamilya Quizon at patuloy na ipinapakita ang kanyang malasakit at dedikasyon sa pagpapanatili ng legacy ng kanilang ama. Sa kabuuan, si Eric ay hindi lamang isang artista kundi isang haligi ng showbiz na nagpapatunay na ang talento at integridad ay maaring magtagal sa mahabang panahon.

Read also
Lian Paz, naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw niya sa taong 2025: "It was a year of surrender"
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay labis talagang grateful si Eric Quizon sa theatre star na si Lea Salonga. Sa Instagram, ni-repost kasi ni Eric ang photo post ng Turismo Central Luzon. Tungkol ito sa pahayag ni Lea noong 2024 tungkol sa pagiging National Artist. Aniya Eric, talagang naantig ang kanyang puso sa di paglimot ng theatre star.
Samantalang noong July 2025 ay nag-guest sa opisyal na channel ni Julius Babao ang kapatid ni Eric Quizon na si Epy. Sa kanilang one-hour long interview, nag-kwento si Epy tungkol sa kanilang tatay. Aniya Epy, hanggang ngayon daw ay nakakatanggap pa rin siya ng "allowance." Nang magtanong si Julius tungkol dito, nagpakatotoo naman ang kilalang aktor sa vlog.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
