Jefferson Utanes, ang boses ni Son Goku sa Filipino-dubbed na DBZ, pumanaw na

Jefferson Utanes, ang boses ni Son Goku sa Filipino-dubbed na DBZ, pumanaw na

  • Pumanaw na ang kilalang Filipino voice actor na si Jefferson Utanes sa edad na 46
  • Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita at humiling ng mga dasal online
  • Bukod sa pagiging boses ni Son Goku, binigyang-buhay rin niya ang mga sikat na karakter gaya nina Doraemon at James ng Pokémon
  • Nagpaabot din ng pakikiramay ang Ani-One Philippines at ang buong anime community para sa iniwang legacy ni Jefferson sa industriya

Isang malungkot na balita ang bumalot sa mga anime fans sa Pilipinas dahil pumanaw na ang kilalang voice actor na si Jefferson Utanes sa edad na 46. Si Jefferson ang boses sa likod ng maraming paboritong karakter, pero pinaka-tumatak siya bilang ang Pinoy voice ni Son Goku mula sa iconic na seryeng Dragon Ball Z.

Jefferson Utanes, ang boses ni Son Goku sa Filipino-dubbed na DBZ, pumanaw na
Jefferson Utanes, ang boses ni Son Goku sa Filipino-dubbed na DBZ, pumanaw na (@jeffutanes)
Source: Instagram

Kinumpirma ang balitang ito ng kanyang sister-in-law na si Elizabeth Teodoro sa isang Facebook post.

"On behalf of my sister Catherine and her children Jhulianne & Justin, we humbly ask for prayers for the soul of my brother-in-law Jefferson Seril Utanes. May the Lord grant him eternal rest and perpetual light. Amen," ang naging mensahe ni Elizabeth.

Read also

2 bangkay, natagpuan sa loob ng mansion ng isang sikat na direktor

Sa naturang post, hindi pa inilalabas ng pamilya ni Jefferson ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod kay Son Goku, marami pang ibang karakter ang binigyang-buhay ni Jefferson, gaya nina Doraemon, James mula sa Pokémon, Kosei Arima ng Your Lie in April, at Ken Matsuhiro mula sa Yakitate!! Japan.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang entertainment channel na Ani-One Philippines at kinilala ang kanyang husay sa sining ng dubbing.

Ayon sa kanilang opisyal na pahayag, "Ani-One Philippines stands as one with the anime and dubbing community during this time of loss. We honor Jefferson’s contributions, his love for the craft, and the joy he brought to countless fans through his work. Our thoughts and heartfelt condolences go out to his family, friends, and the entire anime community."

Maraming fans ang nalungkot at nag-alay ng mensahe para sa kanya. Para sa kanila, si Jefferson ay bahagi ng kanilang masayang kabataan tuwing umaga at hapon. Bagama't wala na siya, mananatili ang kanyang legacy sa boses na nagbigay ng kulay sa buhay ng maraming pamilyang Pilipino.

Read also

Angelica Panganiban sa binili ni Gregg Homan sa Australia: "Papakasalan kita ulit pag uwi mo"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong November ay nalungkot ang mundo ng volleyball matapos pumanaw si Alas Pilipinas player Ike Barilea. Namatay siya dalawang araw matapos ipagdiwang ang kanyang ika-21 kaarawan. Kinumpirma ng Alas Pilipinas ang kanyang pagpanaw sa isang Facebook post. Gayunpaman, hindi na ibinunyag ng team ang dahilan ng kanyang pagkamatay sa naturang post sa Facebook.

Samantalang noong October naman ay pumanaw ang dating aktor at public servant na si Patrick Dela Rosa dahil sa komplikasyon mula sa lung cancer. Ayon sa anak niyang si Bruce Miguel, 3 taon nang lumalaban sa cancer ang kanyang ama bago ito pumanaw sa Amerika. Matapos magretiro, madalas na bumiyahe si Patrick at ginugol ang huling tatlong taon ng kanyang buhay sa gamutan sa Estados Unidos. Nagpaabot ng dalamhati at pagmamahal ang pamilya sa pamamagitan ng mga online tributes at pahayag sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco