Angeline Quinto, ibinuking kung paano siya binigyan ni Regine Velasquez ng “diamonds”

Angeline Quinto, ibinuking kung paano siya binigyan ni Regine Velasquez ng “diamonds”

  • Ibinahagi ni Angeline Quinto na nakatanggap siya ng “diamonds” matapos ang ASAP Vancouver show
  • Hindi man niya pinangalanan, agad na nahulaan ni Direk Antoinette Jadaone na si Regine Velasquez ang nagbigay
  • Kinuwento rin ni Angeline na hindi ito ang unang beses na niregaluhan siya ng jewelry ng Asia’s Songbird
  • Matagal nang fan ni Regine si Angeline at malaki ang impluwensiya nito sa kanyang singing career

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isa na namang masayang anekdota ang ibinahagi ni Angeline Quinto tungkol sa idolo niyang si Regine Velasquez. Sa bagong episode ng podcast ni Direk Antoinette Jadaone, inalala ng singer-actress ang isang di malilimutang pangyayari matapos ang kanilang ASAP Natin ‘To Vancouver show. Ayon kay Angeline, pagbalik nila sa Pilipinas ay may isang kapwa singer na nag-abot sa kanya ng “diamonds” bilang regalo.

Angeline Quinto, ibinuking kung paano siya binigyan ni Regine Velasquez ng “diamonds”
Angeline Quinto, ibinuking kung paano siya binigyan ni Regine Velasquez ng “diamonds” (📷@loveangelinequinto/IG)
Source: Instagram

Hindi man niya pinangalanan ang nagbigay, agad naman itong nahulaan ni Direk Tonet. Natawa si Angeline habang inilarawan kung paano nagreresponde ang Asia’s Songbird sa tuwing paulit-ulit niya itong binabati sa itsura o suot nito.

Read also

IG Story ni Ellen Adarna tungkol sa “YYSS”, usap-usapan online

Ani Angeline, “Alam mo, Direk, si Ms. Reg, ang sarap niyang batiin. Ms. Reg, ang ganda naman ng hikaw mo ngayon… lagi mo na lang binabati, ‘Heto na nga!’ Gano’n siya.”

Sa masayang kuwento ni Angeline, lumabas na tila napuno na si Regine sa paulit-ulit na pag-a-appreciate niya sa alahas nito. Ang nakatutuwa, hindi ito ang unang pagkakataon na niregaluhan siya ng Songbird. Naalala rin ng singer-actress na minsang binigyan siya ni Regine ng earrings noong buntis pa ito kay Nate, nang mag-guest sa kanyang unang major concert.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Angeline, “Iaabot niya sa ‘yo, pero akala mo ang inabot, listahan lang ng utang.”

Matagal nang malaking bahagi si Regine ng inspirasyon ni Angeline. Kuwento niya, bata pa lamang ay posters na ng Songbird ang laman ng kanyang kwarto. Hindi rin maikakaila na malaki ang impluwensya ni Regine sa istilo at paghubog ng boses ni Angeline, lalo na’t pareho silang naging bahagi ng Kapamilya network at ng variety show na ASAP.

Si Angeline Quinto ay unang sumikat matapos manalo sa Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011. Kilala siya bilang isa sa mga matatag na biriterang mang-aawit sa bansa at regular na bahagi ng ASAP Natin ‘To. Bukod sa singing career, nakilala rin siya bilang aktres at isa sa mga artistang pinangangalagaan ng Star Magic.

Read also

Angeline Quinto, emosyonal sa pag-amin tungkol sa adoption story niya

Sa isang naunang panayam, naging emosyonal si Angeline habang inaalala ang kanyang adoption story at kung paano siya iniwan ng kanyang biological mother kapalit ng P10,000. Ibinahagi niya kung paano nagbago ang pananaw niya sa buhay matapos malaman ang katotohanan at kung paano niya buong pusong tinanggap ang kanyang pinagdaanan. Nagbigay-inspirasyon ang kanyang tapat na pagsasalaysay at muling binuksan ang diskusyon tungkol sa mga adoptive families sa bansa.

Kamakailan, umani ng papuri si Angeline matapos niyang pansamantalang itigil ang kanyang performance para tulungan ang isang lola na nahirapang tumayo sa gitna ng audience. Marami ang humanga sa kanyang malasakit at pagiging down-to-earth sa kabila ng kanyang kasikatan. Muling ipinakita nito ang kanyang pagiging natural at may pusong artista, bagay na dahilan kung bakit patuloy siyang minamahal ng publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate