Cristine Reyes, may nakakaantig na post matapos samahan si Amarah sa BLACKPINK concert

Cristine Reyes, may nakakaantig na post matapos samahan si Amarah sa BLACKPINK concert

  • Inamin ni Cristine Reyes na hindi siya fan ng BLACKPINK, ngunit ang kanyang anak na si Amarah ay isang big fan
  • Ngunit tila nagbago ito nang sila ay um-attend ng concert ng naturang grupo sa Bocaue, Bulacan
  • Aniya, ang pinakamagandang bahagi ng concert ay ang makita ang kanyang anak na masaya at nage-enjoy
  • Nag-reflect siya sa kanyang pagsisikap na bumawi kay Amarah dahil sa pagiging abala niya sa trabaho

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay ng isang taos-pusong reflection ang aktres na si Cristine Reyes sa kanyang Instagram account matapos samahan ang kanyang anak na si Amarah sa successful na 2-day concert ng K-Pop group na BLACKPINK sa Pilipinas.

Cristine Reyes, may nakakaantig na post matapos samahan si Amarah sa BLACKPINK concert
Cristine Reyes, may nakakaantig na post matapos samahan si Amarah sa BLACKPINK concert (@cristinereyes)
Source: Instagram

Inamin ni Cristine na bagama't hindi siya fan noon, ang experience ay nagpabago sa kanyang isip dahil sa kanyang anak na isang huge fan ng naturang grupo.

​Sa post, nagbahagi si Cristine ng mga larawan nila ni Amarah sa Philippine Arena, habang nakasuot ng BLACKPINK shirt at may hawak na cute na lightstick. Ibinahagi niya na ang pagiging masaya ng anak ang nagpasaya rin sa kanya.

Read also

Fhukerat, nagbigay-linaw sa pagharang sa kanya sa Dubai

​"I was never really a fan, but last night turned me into one. My daughter pulled me into her world, and seeing her so happy made me love it too," panimula ni Cristine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

​Nabanggit din ni Cristine ang kanyang mga paborito sa grupo, na naging dahilan para mas ma-enjoy niya ang show na pinaghandaan ng mga miyembro.

​"She adores Lisa, and I found myself loving Rosé. Jennie and Jisoo were just as charming, but honestly, the best part of this once in a lifetime experience was being there with the people I love."

​Bilang isang abalang ina at artista, nag-reflect si Cristine sa kanyang pagsisikap na makabawi sa kanyang anak dahil sa dami ng oras na inilaan niya sa trabaho.

​"As a mom who is always busy with work, I have spent years trying to make up for lost time with Amarah. That is why I treasure every moment we get together, whether we are traveling just the two of us or simply staying home and enjoying each other's company," pahayag niya.

​Ang gabing iyon sa concert ay nagpaalala sa kanya ng mga bagay na talagang mahalaga.

Read also

Robin Padilla reacts to AJ Raval’s revelation: “Hindi na ako nabibigla”

​"Nights like this remind me of what truly matters... being present, holding her close, and creating memories she will carry forever."

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si Cristine Reyes ay isang Filipina actress na kilala sa mga versatile roles sa mundo ng pelikulang Pilipino. Sa buong karera niya, nakatanggap na si Cristine ng maraming parangal at pagkilala. Sa kanyang personal na buhay, dati siyang ikinasal kay Ali Khatibi. Mayroon silang anak na babae na si Amarah, na ipinanganak noong February 8, 2015. Kalaunan, kinumpirma ni Cristine ang kanilang paghihiwalay, at noong 2024, isiniwalat niya na mahigit isang taon nang napawalang-bisa ang kanilang kasal. Dati rin siyang naging laman ng balita dahil sa relasyon niya sa aktor at modelo na si Marco Gumabao. Inanunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon noong Abril 2023.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isang proud momma si Cristine Reyes dahil sa accomplishment ng kanyang anak. Kamakailan lang ay lumipad sila patungong Singapore para sa isang sports event. Ito ay ang Prime Gymnastics Invitational 2025, kung saan kabilang si Amarah. Sa Instagram, ibinida ni Cristine ang stellar performance ni Amarah mula sa event.

Read also

Ellen Adarna, ipinakita ang message sa kanya ni "Alexa" na ex umano ni "Derek"

Samantalang ay ibinahagi ni Cristine Reyes ang isang emosyonal na post sa social media bilang paggunita sa ika-40 araw mula nang pumanaw ang kanyang ama na si Esteban Reyes, na namatay noong Abril. Sa mensahe ni Cristine, binigyang-diin niya ang aral ng kanyang ama tungkol sa pag-usad sa buhay nang walang hinanakit. Pinagtibay rin niya ang kanyang desisyong magpatuloy sa kabila ng lahat, sa gabay ng Diyos at ng kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco