Vice Ganda, sinabing hindi dapat tinatawanan ang usapin sa pagnanakaw
- Ayon kay Vice Ganda, ang usapin tungkol sa "pagnanakaw" ay hindi na dapat pagtawanan sa kasalukuyan
- Mariin niyang pinuna ang katiwalian at korapsyon na may kinalaman sa pondo ng bayan, at iginiit na ito ay seryosong isyu
- Binigyang-diin niya na lalong hindi dapat pagtawanan ang sitwasyon ng mahihirap na Pilipino na ninanakawan pa ng mga may kapangyarihan
- Ang kanyang pahayag ay isang panawagan upang imulat ang mata ng publiko at huwag ituring na normal ang isyu ng pagnanakaw
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nagbigay ng matinding pahayag si Vice Ganda, ang isa sa mga host ng noontime show na It's Showtime, tungkol sa seryosong isyu ng korapsyon at "pagnanakaw."

Source: Instagram
Sa isang segment ng programa, mariin niyang ipinahayag na hindi dapat pagtawanan ang usapin na ito, lalo na kung ang tinutukoy ay ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan.
"No, hindi siya nakakatawa, Eric, diba? Natatawa ka ba sa nanakawan ka ngayon? Is it a laughing matter para sayo na mayroon kang kababayan na mahirap, walang pangarap, nanakawan pa?" tanong ni Vice Ganda sa isa nilang participant sa naturang segment ng programa.

Read also
Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"
Sa kanyang pahayag, inihayag niya ang bigat ng sitwasyon para sa mga ordinaryong Pilipino, lalo na sa mga mahihirap na umaasa lamang sa kanilang trabaho at nakikipaglaban sa buhay. Ang pagkakaroon ng gobyerno na nagnanakaw umano sa kaban ng bayan ay nagpapabigat pa lalo sa kanilang sitwasyon, bagay na sinang-ayunan ng marami nilang manonood online.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Gusto kong imulat ang mga mata niyo na hindi na 'to nakakatawa," diin ni Vice Ganda sa Showtime. "Ang daming kailangan ng tulong, ang daming naghihirap... tapos yung pera natin, may mga nangunguha," aniya pa nga ng kilalang actor at TV host.
Ang pagtutok ni Vice sa seryosong isyu na ito ay nagbigay-diin sa pangangailangan na maging mas sensitibo at kritikal ang publiko sa mga usapin ng katiwalian sa halip na gawin itong katatawanan. Ang emosyonal at seryosong tono ng Unkabogable Star ay malinaw na nagpapahiwatig ng kanyang pagkadismaya sa tila pagiging normal na lang ng usapin ng pagnanakaw sa bansa.
Ang naturang video, na naglalaman ng kanyang matapang na pahayag, ay ibinahagi ng @abscbn sa kanilang Instagram page at umani ng maraming reaksyon at pagsuporta mula sa mga netizen.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.

Read also
Gov. Sol Aragones, dinipensahan ang desisyong no face-to-face classes sa probinsya ng Laguna
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling naging usap-usapan si Vice Ganda sa social media. Natawag kasi ang aktor ng "sir" kamakailan sa 'It's Showtime.' Dahil dito, agad na binigyang-linaw ni Vice ang nasabing isyu. Aniya, dapat ay i-normalize na ang pagtawag ng "sir" sa kanya, bagay na pinuri ng maraming netizens sa social media platforms.
Samantalang ay talagang napa-walk out na lamang si Vice Ganda sa It's Showtime dahil kay Anne Curtis. Kamakailan ay namali kasi si Anne ng dinig sa sinabi ng isang contestant nila sa Laro Laro Pick. Dahil dito ay marami ang naaliw sa naging reaksyon ni Vice Ganda sa show. Hindi lang si Vice ang kinaaliwan ng marami kundi pati na rin si Anne.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh