Vice Ganda, finally makikita na sa Bubble Gang: “Batang Bubble ka na!”

Vice Ganda, finally makikita na sa Bubble Gang: “Batang Bubble ka na!”

  • Natupad na ang matagal nang pangarap ni Vice Ganda na makapag-guest sa Bubble Gang ng GMA 7
  • Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang bouquet na may note na nagsasabing “Batang Bubble ka na”
  • Kinumpirma ng isang executive ng GMA na mapapanood very soon si Vice sa longest-running gag show
  • Noon pang 2023, nabanggit na ni Vice ang kanyang kagustuhang maimbitahan sa programa ni Michael V

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Natupad na rin sa wakas ang isa sa matagal nang bucket list ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda. Ito ay ang maging bahagi ng Bubble Gang ng GMA 7.

Vice Ganda, finally makikita na sa Bubble Gang: “Batang Bubble ka na!”
Vice Ganda, finally makikita na sa Bubble Gang: “Batang Bubble ka na!” (📷@praybeytbenjamin/IG)
Source: Instagram

Kamakailan, ibinahagi ni Vice sa kanyang Instagram Stories ang isang larawan ng bouquet ng puting rosas na may note na nagsasabing: “Dear Vice, Thank you for guesting. Batang Bubble ka na!” Nilagyan lamang ito ng simpleng caption na isang happy face at pulang heart emoji — sapat na para ikagalak ng kanyang fans na matagal nang naghihintay ng moment na ito.

Read also

Sa ulat ng GMA News, kinumpirma mismo ng isang executive ng Bubble Gang na guest na si Vice sa pinakamatagal nang gag show sa bansa na pinagbibidahan at dinidirek ni Michael V. “Abangan n’yo very soon,” ayon sa source, dahilan para lalo pang maging abangers ang mga tagahanga ni Vice.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang noong Agosto 2023, mismong si Vice ay nagsabi sa isang panayam na matagal na niyang pangarap na makapag-guest sa Bubble Gang. “Nag-aantay lang din naman ako ng imbitasyon at saka kung anong gagawin,” aniya noon. At halos sabay nito, nang bumisita si Michael V sa It’s Showtime, ay sinabi rin niyang walang imposible sa mundo ng telebisyon at komedya — kaya’t pinatunayan ngayong posible nga ang collaboration ng dalawang higante ng comedy.

Para kay Vice, na kilala sa kanyang husay sa pagbibigay aliw sa telebisyon at pelikula, isa itong milestone. Bukod sa pagiging Unkabogable Star ng ABS-CBN, ngayon ay nakipagtagpo na rin siya sa tahanan ng isa sa pinakakilalang comedy programs ng GMA, isang bagay na siguradong ikatutuwa ng mga manonood sa parehong network.

Read also

Si Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa totoong buhay ay isa sa mga pinakamatagumpay na komedyante at TV host sa bansa. Nakilala siya bilang host ng noontime show na It’s Showtime at nagkaroon din ng sunod-sunod na blockbuster films na siyang nagbigay sa kanya ng titulong Phenomenal Box-Office Star. Maliban sa kanyang husay sa komedya, kilala rin si Vice sa pagiging outspoken sa mga isyu at sa pagbibigay inspirasyon sa LGBTQ+ community.

Ang Bubble Gang naman ay isang institusyon sa telebisyon ng Pilipinas na nagsimula pa noong 1995 at hanggang ngayon ay namamayagpag bilang longest-running gag show, na pinamumunuan ni Michael V o mas kilala bilang “Bitoy.”

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, nilinaw ni Shuvee Etrata ang isyung kinasasangkutan nila ni Vice Ganda. Ayon kay Shuvee, hindi totoo ang mga haka-haka at ipinahayag niya ang pasasalamat sa suporta ng mga taong nakakaunawa sa sitwasyon. Pinakita rin ng ulat na nananatiling matatag si Vice sa kabila ng mga tsismis na ibinabato sa kanya.

Read also

Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph na hinarap ni Vice Ganda ang isyu tungkol sa pagtawag sa kanya ng “Sir” sa isang pagkakataon. Ayon kay Vice, hindi siya nagagalit ngunit mas gusto niyang respetuhin ang kanyang identity. Marami sa kanyang mga followers ang pumuri sa pagiging open at edukado ng komedyante sa pagtugon sa mga ganitong isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate