Rocco Nacino, hindi napigilan ang inis sa finger heart ni Sarah Discaya sa DOJ

Rocco Nacino, hindi napigilan ang inis sa finger heart ni Sarah Discaya sa DOJ

  • Rocco Nacino binanatan si Sarah Discaya matapos ang kontrobersyal na finger heart sign sa DOJ
  • Tinawag ng aktor ang contractor na “walang konsensya” at “itim ng ugali” sa comment section ng GMA News report
  • Pokwang nakisali rin sa banat at nilagyan ng meme edit ang larawan ni Discaya
  • DOJ nagsabing maaaring isaalang-alang ang kilos ni Discaya sa kanilang Witness Protection Program application

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilan ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kanyang emosyon matapos makita ang viral finger heart gesture ng contractor na si Sarah Discaya habang nasa Department of Justice (DOJ) noong Sabado, Setyembre 27.

Rocco Nacino, hindi napigilan ang inis sa finger heart ni Sarah Discaya sa DOJ
Rocco Nacino, hindi napigilan ang inis sa finger heart ni Sarah Discaya sa DOJ (📷Rocco Nacino/Facebook)
Source: Instagram

Nasa DOJ noon ang mag-asawang Discaya para magpasa ng requirements kaugnay ng kanilang aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP). Sa gitna ng seryosong usapin, nagulat ang media at netizens nang makita si Sarah na nag-finger heart sign sa mga mamamahayag na nag-aabang sa kanya.

Sa comment section ng ulat ng GMA News, diretsahang binanatan ni Rocco si Sarah:

Read also

Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos

"Walang konsensya. Itim ng ugali, kasing itin [itim] ng nunal niya."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang matapang na salitang ito mula sa aktor ay agad ding umani ng atensyon at suporta mula sa mga netizens na pareho ring nabahala sa tila magaan na pagtrato ng contractor sa seryosong sitwasyon.

Hindi lamang si Rocco ang nagbigay ng reaksyon. Sumali rin si Pokwang, kilalang komedyante at TV host, sa pagbibigay ng opinyon.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Pokwang ang screenshot ng finger heart photo ni Sarah, na nilagyan pa niya ng edit na parang tae na may lumilipad na langaw sa ibabaw ng gesture. May nakalagay pang text caption: "gandahan daw ang memes??????? Hahahhaahaha."

Mabilis ding kumalat online ang meme edit ni Pokwang, na sinamahan ng samu’t saring komento mula sa netizens na aliw ngunit sabay din nagbigay-diin sa bigat ng isyu.

Samantala, nagbigay din ng pahayag ang DOJ Spokesperson na si Mico Clavano, na nagsabing posibleng isama sa konsiderasyon ang finger heart gesture ni Sarah sa kanilang pagdedesisyon sa aplikasyon ng kanyang mister na si Curlee Discaya sa WPP.

Read also

Pokwang: "Lord, kailan nyo po tutuparin ang wish ni Kara David?”

Ani Clavano, “It is a sign of insincerity and complacency. We urge all persons of interest in this case to behave accordingly.”

Para sa DOJ, ang kilos na ito ay tila hindi akma sa seryosong sitwasyon, at maaaring magbigay ng impresyon ng kakulangan ng sinseridad.

Sa ngayon, wala pang tugon mula sa kampo ng mga Discaya kaugnay ng isyung ito.

Si Rocco Nacino ay isang Kapuso actor na nakilala sa iba’t ibang drama at action series. Maliban sa pagiging artista, siya ay isang registered nurse at active Navy reservist. Kilala rin si Rocco sa kanyang outspoken personality at pagiging vocal sa mga isyung pampubliko na kinaiinisan niya.

Nauna nang naging sentro ng atensyon si Sarah Discaya matapos maging viral ang kanyang “lighthearted gesture” habang pumapasok sa DOJ. Ayon sa mga ulat, marami ang nakapansin na tila hindi tugma ang masayang finger heart sa bigat ng kanyang kaso at aplikasyon sa WPP. Ang eksenang ito ang nagbukas ng diskusyon kung paano dapat umakto ang mga taong sangkot sa mga malalaking anomalya.

Read also

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Samantala, matapos kumalat ang litrato, isa sa mga unang nag-react si Pokwang. Hindi siya nagdalawang-isip na gawing meme ang finger heart photo ni Sarah sa pamamagitan ng kanyang IG story, kung saan nilagyan niya ito ng imahe ng ebak at langaw. Ang nakakatawang banat na ito ay nakakuha ng malakas na reaksiyon mula sa publiko, na muling nagpatingkad sa issue laban sa Discaya couple.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate