Ai-Ai delas Alas, emosyonal sa entablado matapos ang no-show issue sa Calgary Fiesta Filipino 2025
- Viral ang video ni Ai-Ai delas Alas na naglabas ng sama ng loob dahil sa isang artist na hindi sumipot sa Calgary Fiesta Filipino 2025 sa Canada
- Sa entablado, mariin niyang sinabi na hindi dapat nangyayari ang ganitong sitwasyon lalo na kapag may kasunduan na
- Umani ng halo-halong reaksyon mula sa netizens ang kanyang pahayag kung saan may sumang-ayon at mayroon ding kumontra
- Naglabas ng hiwalay na statement ang panig ng artist tungkol sa dahilan ng kanilang hindi pagdalo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Usap-usapan ngayon sa social media ang viral video ni Ai-Ai delas Alas na kuha sa entablado ng Calgary Fiesta Filipino 2025 sa Canada. Sa nasabing clip, makikitang tila emosyonal at naglalabas ng sama ng loob ang komedyana matapos umano ay hindi pagsipot ng isang artist sa event.

Source: Facebook
âHindi pwede âyung ganun!â mariing pahayag ni Ai-Ai habang tinutulungan siyang awatin sa stage. Ngunit hindi doon natapos ang kanyang hinaing. Dagdag pa niya, âPag nag OO kayo, hindi pwedeng nagno-no show kayo! Hindi pwede yung ganun. Tapos no show ka na, ikaw pa âyung naninira sa Facebook.â
Nagpatuloy pa ang komedyana at nakapagsabi ng âWhat the F!â dahilan upang mas lalong mag-init ang usapan online. Sa comment section ng viral post, hati ang naging opinyon ng mga netizens. May mga pumabor at sumang-ayon sa kanyang mga salita, ngunit mayroon ding dumepensa para sa kabilang panig.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabilang banda, lumabas din ang pahayag mula sa kampo ng artist na hindi nakadalo sa event. Ayon sa kanilang inilabas na opisyal na statement sa Facebook noong Agosto 29, ipinahayag nila na hindi natuloy ang kanilang pagdalo dahil hindi natupad ang napagkasunduang kondisyon. âWe regret to inform everyone that [the artist] will not be performing at Calgary Fiesta Filipino 2025 as previously scheduled. Unfortunately, due to the event producerâs inability to meet the agreed terms, our artistâs participation will not be possible,â saad ng kanilang panig.
Hindi lamang dito nagtapos ang usapin. Dahil sa naging matapang na pahayag ni Ai-Ai sa entablado, muling naglabas ng follow-up statement ang kampo ng artist upang linawin ang mga isyu at igiit na sila ay biktima rin ng hindi propesyonal na koordinasyon.
Ani nila, âWe received no payment, no logistic coordination (hotel/pick-up details/event contact etc.), and even got sent fraudulent receipt. After flying nonstop the past 2 weeks, we cut our trip short just to try and make it to the said festival. Instead of receiving proper arrangements, we were given the runaround in hopes we would travel without assurance. This is unacceptable.â
Dagdag pa ng kanilang team, âWe will not tolerate fake news or attempts to damage our reputation. Our team did everything possible to make this appearance happen, but professionalism and respect must be mutual.â Sa caption ng kanilang post, nilinaw din nila na hindi nila nagugustuhan ang mga âside commentsâ at maling âexcusesâ na ikinakabit sa kanila.
Dahil dito, patuloy na mainit ang usapin online at maraming netizens ang nakikisali sa debate kung sino ba ang tunay na may pagkukulang sa nangyaring hindi pagtuloy ng performance.
Si Ai-Ai delas Alas ay kilala bilang âComedy Queenâ ng Pilipinas dahil sa kanyang mga matagumpay na pelikula at TV shows na nagbigay saya sa publiko. Bukod sa pagiging aktres at komedyante, aktibo rin siya sa mga international shows at events, partikular sa Filipino communities abroad. Sa loob ng ilang dekada sa industriya, nakilala si Ai-Ai hindi lamang sa pagpapatawa kundi maging sa kanyang pagiging prangka at tapat sa kanyang mga saloobin.
Kamakailan ay naging emosyonal si Ai-Ai nang ibahagi niya ang engagement ng kanyang anak na si Sancho Vito sa longtime girlfriend nitong si Paula. Sa post ng aktres, makikitang proud at puno ng saya ang kanyang damdamin para sa bagong yugto ng buhay ng kanyang anak. Umani ng maraming pagbati at positibong reaksyon mula sa netizens ang kanyang mensahe.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Ai-Ai ang kanyang emosyon nang malaman ang pagbubuntis ng kanyang future daughter-in-law. Lubos ang kanyang kaligayahan at excitement para sa pagdating ng kanyang magiging apo. Muli, maraming fans at followers ang natuwa sa magandang balitang ito na nagsisilbing bagong inspirasyon sa kanyang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo âĄď¸ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh