Kris Bernal, ipinakita ang pinapatayong mansion, bumanat ng “No dad as ATM machine”
- Kris Bernal ipinakita sa TikTok ang kanilang pinapatayong bahay na hindi pa tapos ngunit labis nang hinahangaan ng netizens
- Ipinahayag ng aktres ang kasiyahan sa pagbili ng bawat gamit sa bahay gamit ang sariling kita
- Nagbitiw siya ng linyang “No dad as ATM machine” na iniuugnay ng ilan sa usapin tungkol sa “nepo babies”
- Maraming netizens ang natuwa at nagbigay ng papuri sa kanya dahil sa pagsusumikap at tiyaga
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Viral ngayon sa social media ang aktres at celebrity mom na si Kris Bernal matapos niyang ipakita sa kanyang TikTok account ang ipinapatayong bahay nila ng asawang si Perry Choi. Bagamat hindi pa tapos ang konstruksyon, agad na napansin ang lawak at ganda ng kanilang magiging tahanan.

Source: Instagram
Sa kanyang ibinahaging video, ipinahayag ni Kris ang labis na kasiyahan dahil nakikita na niya ang bunga ng kanyang pagsusumikap. “The joy of buying every piece of this house from hard-earned money,” ani ng aktres. Dagdag pa niya, “No dad as ATM machine,” bagay na agad umani ng atensyon mula sa mga netizens.
Marami ang naka-relate sa sinabi ng aktres, lalo na at kasalukuyang mainit ang usapan sa social media tungkol sa tinatawag na “disney princess” at “nepo babies.” Para sa ilan, tila patutsada ito sa mga kilalang personalidad na nakinabang sa yaman at koneksyon ng kanilang mga magulang.
“What’s earned through hard work brings the deepest pride!” dagdag pa ni Kris sa kanyang post. Maraming netizens ang nagbigay ng papuri at nagsabing halatang bunga ng mahabang panahon ng pagtatrabaho ang kanyang pinapatayong mansyon. Ayon pa sa isang komento, “Malalaman mo na hard-earned money kapag hindi super bilis ng construction ng bahay. Kasi may times talaga na kulang or sakto lang yung budget. Kudos sa lahat ng nagttrabaho ng marangal.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod sa papuri, may ilan ding natawa sa biro ni Kris tungkol sa “ATM machine.” Isang netizen ang nagkomento ng, “Sorry po pero Tawang-tawa ako sa ATM MACHINE,” na agad namang sinang-ayunan ng iba.
Samantala, ikinonekta naman ng mga online user ang pahayag ni Kris sa nag-viral na lumang video ni Vern Enciso, isa sa mga tinatawag na nepo babies. Sa nasabing video, pasasalamat ang ipinahayag ni Vern sa kanyang ama bilang kanyang “never ending ATM machine,” dahilan upang muling sumiklab ang usapan tungkol sa pribilehiyo ng ilang personalidad.
Si Kris Bernal ay unang nakilala bilang isa sa mga nanalo sa reality-based artista search na StarStruck ng GMA Network. Sa paglipas ng panahon, nakilala siya hindi lamang bilang isang versatile actress kundi bilang isang entrepreneur at ngayon ay isang hands-on mommy. Matagal na rin siyang nasa industriya at kilala sa pagiging masipag, bagay na lalo pang pinatotohanan ng kanyang bagong pinapatayong bahay
Kamakailan lamang, ibinahagi ni Kris ang kanyang pagiging proud mommy sa isang espesyal na birthday message para sa kanyang anak na si Hailee. Sa kanyang Instagram post, puno ng emosyon ang kanyang love-filled note kung saan ipinahayag niya ang walang hanggang pagmamahal para sa anak. Ang post ay agad nag-viral at umani ng papuri mula sa kapwa magulang na naka-relate sa kanyang mga salita.

Read also
Gabbi Garcia, ibinahagi ang kanyang travel experiences gamit ang kanyang 'hard-earned money'
Bukod pa rito, ibinida rin ni Kris ang kanyang bagong business venture na matagal na niyang pangarap. Ayon sa kanya, ito ay bunga ng kanyang determinasyon at suporta ng kanyang pamilya. Ang nasabing negosyo ay simbolo ng kanyang pangarap na naisakatuparan at dagdag patunay ng kanyang kasipagan bilang artista at negosyante.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh