Coleen, idinetalye ang panganganak sa kanilang second baby ni Billy Crawford

Coleen, idinetalye ang panganganak sa kanilang second baby ni Billy Crawford

  • Idinetalye ni Coleen Garcia ang panganganak niya sa kanilang second baby ni Billy Crawford
  • Aniya, mabilis ang pangyayari na inakala niyang magagawa niyang water birth ang panganganak
  • Ibinahagi rin nina Billy at Coleen ang mala-anghel na mukha ng kanilang baby
  • Matatandaang taong 2018 nang magpakasal ang dalawang dating It's Showtime hosts at 2020 nang biyayaan naman sila ng kanilang unang supling

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia sa kanyang Instagram account na isinilang niya ang kanilang pangalawang anak na si Austin noong Agosto 17, 2025.

Coleen, idinetalye ang panganganak sa kanilang second baby ni Billie Crawford
Coleen, idinetalye ang panganganak sa kanilang second baby ni Billie Crawford (@coleen)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, nasabi ni Coleen na nakaplano na sana nila ng asawang si Billy Crawford na isilang ang kanilang anak sa pamamagitan ng water birth sa ospital, gaya ng ginawa nila sa panganay na si Amari.

Subalit, naging biglaan at hindi inaasahan ang panganganak.

"We decided to go to the hospital when I was already in active labor, but after getting checked, we thought it was gonna take a lot longer since my water hadn’t broken yet, I was only 3cm dilated, and contractions weren’t painful or uncomfortable despite being so close together for hours," pagbabahagi ni Coleen.

Read also

10-anyos, nagpaka-‘human shield' para iligtas ang kaklase sa school shooting

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kwento pa ng aktres, nagdesisyon silang pumunta sa ospital nang siya ay nasa active labor na, ngunit base sa unang assessment, inakala nilang matatagalan pa dahil hindi pa pumuputok ang panubigan, tatlong sentimetro pa lamang ang pagbuka ng kanyang cervix, at hindi masakit ang kanyang contractions kahit magkalapit ang pagitan ng bawat isa.

Ngunit makalipas ang ilang oras, nagsimulang sumakit ang contractions, kaya agad siyang dinala sa delivery room. Doon na nangyari ang hindi inaasahan. "When we got to the room, I stood up from the wheelchair, took a couple of steps toward the bed, then suddenly felt a tiny urge to push while I was still standing. I did once, just a little, for relief—until I felt his head coming out. I had to stop mid-push and say the baby was coming!" kwento ni Coleen.

Dagdag pa niya, ang kanyang sariling ina ang nakasalo sa sanggol. "My mom quickly got down to check, and true enough, part of his head was already out! On the next push, he slipped out so quickly that she was the one who caught him! In just two quick, silent, and surprisingly painless pushes, he was born EN CAUL straight into her arms," ani Coleen.

Read also

Dump truck sumalpok sa bahay, lola patay habang inaayos ang tindahan sa Laguna

Hindi rin naiwasang matawa ng aktres sa bilis ng pangyayari. "It all happened so fast—I was supposed to get an IE, dim the lights, play some music, soak in the tub.. Instead, I gave birth like two minutes after entering the delivery room. I was still standing there in the same spot, looking down at everything—everyone in the room completely shookt—and all I could say was: ‘Well… that happened.’"

Dagdag pa ni Coleen, ramdam niya ang presensya ng Diyos sa buong proseso. "Both births were special and beautiful in their own ways, and God carried me through each of those journeys just as He always does. I felt His presence all throughout, and it shielded me from fear and anxiety, reminding me once again that His plan is always greater than mine," aniya.

Narito ang kabuuan ng post kung saan ipinakita na rin niya ang mala-anghel na mukha ng kanyang baby Austin

Read also

Slater Young, pumalag nang akusahan siya bilang isang government contractor: "Don't me"

Si Coleen Garcia ay isang kilalang aktres at TV host na unang sumikat bilang VJ ng MYX at lumabas sa iba’t ibang teleserye tulad ng Pasión de Amor at Ikaw Lang ang Iibigin. Samantala, si Billy Crawford ay isang mang-aawit, TV host at dancer na unang sumikat bilang miyembro ng That’s Entertainment noong kabataan niya. Nakilala rin siya sa international music scene sa pamamagitan ng mga kantang Trackin’ at Bright Lights, at sa Pilipinas bilang host ng mga sikat na palabas tulad ng It’s Showtime.

Nagpakasal ang dalawa noong 2018 at unang naging magulang noong 2020 nang isilang ang panganay nilang si Amari. Sa pagdating ni Austin, masayang ibinahagi ng mag-asawa na lalo pang kumpleto ang kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica