Dina Bonnevie, naging emosyonal nang alalahanin si DV Savellano: "Watching him die was traumatic"
- Si Dina Bonnevie ay hindi napigilan maging emosyonal sa latest episode ng FTWBA
- Nag-open up kasi ang beteranang aktres tungkol sa kanyang yumaong asawa
- Aniya Dina, noon pa man ay sinasabi na niya na gusto niyang mauna kay DV Savellano
- Dagdag pa ng aktres kay Boy Abunda, "The pain never goes away, you have to live with it"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Dina Bonnevie, isang beteranang aktres, ay hindi napigilang maging emosyonal habang inaalala ang kanyang yumaong asawa na si DV Savellano sa Fast Talk with Boy Abunda.

Source: Youtube
Sa panayam, ibinahagi ni Dina kung paanong hindi nawawala ang sakit ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. "It's true, the pain never goes away, you have to live with it," ani niya kay Boy.
Naging emosyonal lalo ang aktres nang balikan ang mga huling sandali ni DV sa ospital, at kung gaano ito kabigat para sa kanya. "When I saw what happened to DV, watching him die was traumatic. Until now, there are nights that I can't sleep because the whole thing is replaying in your mind again and again. He had four flatlines. On the fifth, hindi na siya nabuhay," aniya Dina.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naikwento rin niya ang kanilang pag-uusap bilang mag-asawa na lagi niyang sinasabi na gusto niyang mauna, kaysa maiwan, "Sabi ko pa naman sa kanya [na] gusto ko mauna. I told him, we were in Japan, [ang] sabi ko, 'Gusto kong mauna. Wag mo kong iwan.' 'Ay hindi pwede, ayoko ring maiwan,' sabi niya so sabi ko, 'Sige, eh di sabay tayo.' When he died, gusto ko nang sumama."
Sa huli, napaluha si Dina habang ibinabahagi ang isang hiling niya na alam niyang imposible, "Yung post ko nun na sana there's visiting hours in heaven, I just wished it were true," aniya.
Ang kanyang emosyonal na pagbabahagi sa FTWBA nitong buwan ay umantig sa puso ng maraming netizens, na nagpapaalala kung gaano kabigat ang proseso ng pagdadalamhati at kung paanong ang alaala ng isang mahal sa buhay ay mananatiling bahagi ng bawat araw.
Panoorin ang video sa ibaba:

Read also
Andi Eigenmann, nakiusap sa kanilang customers sa isla: "Compostable doesn't mean invisible"
Si Dina Bonnevie ay isang beteranong Filipina actress na kilala dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula at telebisyon. Ipinamalas niya ang husay sa larangan ng pag-arte sa mga iconic films tulad ng Katorse, Magdusa Ka, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, at Gumapang Ka sa Lusak. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Dina sa kabilib-bilib niyang pagganap na nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kasalukuyan, bumabalik siya sa hosting bilang host ng bagong family talk show na House of D, kasama ang kanyang mga anak na sina Oyo at Danica Sotto, at ang mga asawa nila, na nagpapakita ng kanilang tunay na buhay bilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang nawindang si Dina Bonnevie sa sagot ni Kristine Hermosa. Kamakailan ay nag-post sila ng bagong 'House of D' na episode sa YouTube. Dito ay tinalakay nila ang buhay-may-asawa at ang realidad na rin nito. Ngunit hindi talaga inaasahan ni Dina ang sagot na ito ng kanyang manugang sa viral interview.
Samantalang nanindigan si Dina Bonnevie sa kanyang pagiging prangka at tapat sa pagsagot sa mga isyu, at hindi siya natitinag kahit makatanggap pa ng bashing sa publiko. Ipinahayag niya na handa siyang tanggapin ang mga kritisismong may kabuluhan at makakatulong sa kanyang, ngunit hindi niya pinapansin ang mga walang saysay na puna. Sa kanyang panayam, sinabi ni Dina na wala siyang balak baguhin ang kanyang personalidad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh