Ogie D, nausisa kung maaring maging manager ni Elias J. TV
- Maging si Ogie Diaz ay nausisa kung maari siyang maging manager ni Elias J. TV
- Ito ay matapos na maging kontrobersyal ng bokalista nito na ngayo'y kinasuhan na umano ang kanyang manager na si Beverly Labadlabad
- Matatandaang una nang nakapanayam ni Ogie si Beverly na siyang naglabas ng kanyang panig ukol sa nauna nilang isyu sa 'selos' at mga kanselado nitong shows
- Si Elias J. TV ay isang vlogger at frontman ng reggae group na Kalumad Band sumikat sa kanyang signature dance moves habang nagpe-perform kasama ang banda
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Klaro at walang paligoy-ligoy ang sagot ni Ogie Diaz nang matanong kung handa ba siyang hawakan ang karera ng content creator at vlogger na si Elias J TV.

Source: Facebook
“Pagod na akong mag-manage,” pabirong naging bungad niya nang mausisa siya ni Mama Loi.
Ipinunto ni Ogie na iba ang sitwasyon ni Elias kumpara sa ibang talents. Matatandaang matapos ang matinding workload na halos walang pahinga, nagpalit ng manager si Elias at napunta sa pangangalaga ni Beverly Labadlabad. Ngunit hindi nagtagal, naging laman ng intriga ang dalawa dahil sa mga tsismis tungkol sa posibleng personal na relasyon ng mga ito, na kalaunan ay humantong pa sa seryosong demandahan.
Ayon kay Ogie, bago pumasok sa isang bagong professional relationship, mahalagang ayusin muna ni Elias ang mga kasalukuyang isyu. “Kung halos araw-araw may trabaho at wala ka nang oras magpahinga, kahit gaano kalaki ang kita mo, hindi mo na rin mae-enjoy,” paliwanag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin itinago ni Ogie na malaki ang epekto ng sobrang trabaho sa emosyon at disposisyon ng isang talent. “So pagkaganyan, siya mismo para saan ba ‘tong pera ko? Dahil siya mismo umiinit ang ulo, wala nang pahinga, walang tulog. Parang ‘di na niya nae-enjoy yung pera dahil araw-araw na lang siyang nagtatraaho,” dagdag niya.
Kaya para kay Ogie, hindi lang simpleng trabaho ang pagiging manager — kasama rito ang pagharap sa stress, intriga, at minsan pati personal na problema ng talent. “Sa dami ng problema nila, ipapasa mo pa sa akin?” tanong niya kay Mama Loi.
Sa huli, malinaw ang kanyang posisyon: uunahin niya umano ang sariling mental health. “Akala ng mga talent, sila lang ang may mental health. Pati kami, kailangan din namin protektahan ang amin,” diin ni Ogie, na ngayon ay mas pinipiling mamuhay nang mas tahimik at malayo sa posibleng dagdag gulo.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:
Si Elias J. TV ( Elias Lintucan) ay isang vlogger, frontman ng reggae group na Kalumad Band, at miyembro ng tribong Manobo mula North Cotabato. Nakilala siya sa kanyang mga dance moves at viral online content, na nagdala sa kanya ng pansin mula Mindanao hanggang sa kontrata sa ABS‑CBN Global. Matatandaang naibahagi na rin sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanyang buhay at kung ano ang naging inspirasyon niya sa kanyang nag-viral na dance moves. Doon, unang isinapubliko ni Elias ang tungkol sa anak at kanyang live-in partner.
Naging maugong ang isyu ng selos mula sa partner nitong si Abegail at sa bagong manager ni Elias na si Beverly. Sa panayam ni Ogie Diaz sa manager ni Elias, sinabing nakilala lamang niya ito nang mai-book niya ang banda ni Elias sa event na bahagi umano ng kanyang kampanya. Sinabing si Elias mismo ang gumawa ng paraan na siya ay makuha nito bilang manager. Aniya, malaki na ang naitulong niya sa mang-aawit na milyon na umano ang kinita mula nang ma-manage niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh