Kuya Kim Atienza, pinag-usapan sa kakaibang weather update habang umuulan

Kuya Kim Atienza, pinag-usapan sa kakaibang weather update habang umuulan

  • Si Kuya Kim Atienza ay nag-viral matapos mag-weather update habang nakahubad at nababasa ng ulan sa kalsada
  • Ikinagulat ng netizens ang kanyang pambihirang istilo sa gitna ng pananalasa ng habagat
  • Humanga rin ang publiko sa katawan at dedikasyon ng TV host at fitness enthusiast
  • Ayon kay Kuya Kim, ligtas maligo sa ulan pero puwedeng magkasakit sa sobrang pagbabad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagulat at natuwa ang netizens sa hindi pangkaraniwang istilo ng weather report ni Kuya Kim Atienza kamakailan. Sa halip na nasa studio at naka-formal o casual na suot, makikita sa kanyang Facebook video na nakahubad ito at literal na nauulanan sa kalsada habang nag-uulat ng lagay ng panahon.

Kuya Kim Atienza, pinag-usapan sa kakaibang weather update habang umuulan
Kuya Kim Atienza, pinag-usapan sa kakaibang weather update habang umuulan (đź“·Kuya Kim Atienza/Facebook)
Source: Instagram

Sa gitna ng pananalasa ng habagat at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa, pinili ni Kuya Kim na iangat ang karaniwang weather update at gawin itong mas raw at authentic. Sa video, habang basang-basa, sinabi niya ang kasalukuyang kondisyon ng panahon, sabay pagbibigay paalala sa publiko. Ito’y malayo sa kanyang nakasanayang presentasyon—nakaayos, nasa loob ng studio, at seryoso ang dating.

Read also

ABS-CBN reporter na si Izzy Lee, viral matapos ang bagong live blooper sa Taft Avenue

Hindi lang ang kakaibang approach ni Kuya Kim ang napansin ng netizens kundi pati na rin ang kanyang fit na pangangatawan. Umani ng papuri ang kanyang katawan at confidence habang tinatanggap ang buhos ng ulan. Ilan sa mga komento ng netizens ay:

“Now that is a body. Take Care Kuya Kim”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Galing talaga [n]g result ng Crossfit [s]ir... All in one ika nga, ride n roll”
“Sana all have that kind of fit bod. Idol stay safe and [e]njoy [y]our life!!! While riding doing adventures and traveling.”
“Kuya Kim tank build”

Sa post, nagbahagi rin si Kuya Kim ng impormasyon tungkol sa ulan. Ayon sa kanya, “low mineral” ang tubig-ulan kaya raw ito masarap sa balat. Ngunit nagbabala rin siya na ang sobrang pagbabad sa ulan ay maaaring magdulot ng sipon o lagnat. Pinayuhan niya ang publiko na mag-ingat at alamin ang kondisyon ng kanilang kalusugan bago sumubok ng katulad na aktibidad.

Read also

Netizen, minura si Bernadette Reyes matapos mag-cover ng baha; GMA reporter, may matapang na sagot

Samantala, ayon sa huling update ng PAGASA nitong Miyerkules, Hulyo 23, bandang 8:00 AM, ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Tinawag itong Bagyong Emong, na posibleng magdala pa ng mas malalakas na pag-ulan at pagbaha sa mga susunod na araw.

Si Kim Atienza, kilala bilang "Kuya Kim", ay isang TV host, weather reporter, at fitness advocate. Nakilala siya sa programang "Matanglawin" at sa mga ulat-panahon sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA Network. Maliban sa telebisyon, aktibo rin siya sa social media kung saan ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman sa agham, kalikasan, at kalusugan. Isa rin siyang triathlete at CrossFit enthusiast, dahilan kung bakit kapansin-pansin ang kanyang magandang pangangatawan.

Kamakailan lamang, ipinahayag ni Kuya Kim ang kanyang paghanga at respeto kay Freddie Aguilar sa isang post sa social media. Ibinahagi niya ang halaga ng mga kanta ni Aguilar sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, lalo na ang “Anak” na isa sa mga pinakamalaking OPM hits. Mababakas sa kanyang tribute ang lalim ng kanyang pagkilala sa mga alamat ng musika.

Read also

Magkasintahan itinuloy ang kasal sa Barasoain Church sa kabila ng pagbaha

Sa isa pang emosyonal na post, nagbigay pugay si Kuya Kim sa ABS-CBN tower, isang simbolo ng media freedom sa bansa. Sa kanyang mensahe, inalala niya ang mga taong pinagsamahan sa nasabing network at ang halaga ng kanilang mga naging kontribusyon sa industriya. Muli niyang pinatunayan ang kanyang pasasalamat sa pinag-ugatang istasyon, kahit na siya'y lumipat na sa ibang network.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate