Zeinab Harake, sinurpresa ng bonggang wedding gift ang kanyang mister na si Ray Parks Jr.

Zeinab Harake, sinurpresa ng bonggang wedding gift ang kanyang mister na si Ray Parks Jr.

- Sinurpresa ni Zeinab Harake ang kanya na ngayong mister na si Ray Parks Jr. Sa araw ng kanilang kasal

- Ang panganay ni Zeinab na si Lucas ang nagpaabot ng mensahe sa kanilang Daddy Ray mula sa kanyang Mommy Zeinab

- Walang pagsidlan ng saya si Ray nang makita ang regalo ni Zeinab sa kanya gayung nagdiriwang din sila ng kanilang 2nd anniversary

- Nito lamang Hunyo 1, ikinasal sina Zeinab at Ray sa isang private Christian wedding sa Tagaytay

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Bongga ang wedding gift ni Zeinab Harake para sa kanya na ngayong mister na si Ray Parks Jr.

Zeinab Harake, sinurpresa ng bonggang wedding gift ang kanyang mister na si Ray Parks Jr.
Ray Parks Jr. (Zeinab Harake YouTube)
Source: Youtube

Bago pa man sila magpalitan ng "I Do", iniabot ni Lucas sa kanyang Daddy Ray ang papel na naglalaman ng mensahe ng kanyang Mommy Zeinab.

“Request niyo kay Ray, basahin niya out loud with my tone. Eto matatawa kayo dito,” hiling ni Zeinab sa kanyang video team.

“As the head of our family you deserve this. You deserve me, eme! I love you and I am excited to see you later. Magugustuhan mo ‘tong gift ko lalong-lalo na ang mga gagawin natin diyan in the future..."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Thank you for being the best daddy to our kids, and to me as well. Marami tayong lalakbayon na magkasama. Puntahan natin lahat ng gusto mo kahit hatinggabi pa yan. Mahal na mahal kita Daddy Ray. Daddy Ray tumira ng tres, pasok kay Zeinab Harake."

Matapos itong basahin ni Ray, ipinakita na ng team groom ang sasakyang handog ni Zeinab sa kanyang mister kung saan nagsiriwang din sila ng kanilang second anniversary.

Narito ang iba pang mga kaganapan sa kanilang Christian wedding mula sa Zeinab Harake YouTube:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 14.7 million subscribers sa kanyang channel. Matatandaang ex niya ang rapper na si Skusta Clee na siyang ama ng anak nilang si Bia. Bago pa man si Bia, hayagan nang nababanggit ni Zeinab ang pagdating sa buhay niya ng una niyang anak na si Lucas.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song' sa unang taon pa lang ng kanilang relasyon.

At nito lamang Hunyo 1, opisyal nang Mr. and Mrs. Parks ang basketbolistang si Ray Parks Jr. at sikat na content creator na si Zeinab Harake na nag-isang dibdib sa isang Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay. Ayon sa ulat ng PEP.ph, limitado lamang ang bisita nina Zeinab at Ray na tila nakumpirma nga ni Zeinab sa kanyang 'Groomsmen at Bridesmaids gifts' vlog kung saan nasabi niyang strikto sila pagdating sa pagpili ng mga bisitang dadalo sa kanilang kasal. Gayunpaman, siniguro nilang ang lahat ng mga malalapit na tao sa kanilang buhay ang siyang makasasaksi ng napakahalagang araw na ito para sa kanila ng kanyang Daddy Ray.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica