Annabelle Rama, nagpapagaling pa rin matapos ang medical emergency sa Italy

Annabelle Rama, nagpapagaling pa rin matapos ang medical emergency sa Italy

- Hindi nakadalo si Annabelle Rama sa family gathering sa bahay nila sa Quezon City nitong Linggo

- Gumaling na ang kanyang mga paa matapos ang pamamaga habang nasa Europe

- Nakapagpa-check-up na si Annabelle at nakainom na ng gamot para sa kanyang iniinda

- Ayaw pa ring magpahinga ni Bisaya at patuloy pa ring namamasyal kahit pa may limitasyon sa lakad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa panibagong update ni Jun Lalin ng Abante, mas gumaan na ang pakiramdam ng pamilya Gutierrez matapos kumpirmahing bumubuti na ang kalagayan ni Annabelle Rama. Absent man siya sa kanilang family gathering sa bahay nila sa Quezon City nitong Linggo, natiyak naman nilang ligtas at nagpapagaling si Annabelle sa Italy.

Annabelle Rama, nagpapagaling pa rin matapos ang medical emergency sa Italy
Annabelle Rama, nagpapagaling pa rin matapos ang medical emergency sa Italy (📷Annabelle Rama/Facebook)
Source: Instagram

Kasama ng pamilya sa chikahan sina Eddie, Ruffa, Elvis, at Raymond Gutierrez, at naging paksa agad ang tungkol sa ginawang check-up ni Annabelle sa Florence, Italy. Matatandaang namaga at sumakit ang mga paa ni Bisaya dahil sa walang humpay na lakaran sa Europe trip kasama ang mga kaibigan. Noon ay nagdulot ito ng matinding pagkabahala lalo na kay Ruffa na hindi agad nakontak ang kanyang ina.

Ngayon, mas kampante na raw ang pamilya dahil ayon kay Annabelle mismo, “Nag-take na ako ng medicine kaso ihi ako nang ihi.” Isa itong patunay na tinutukan na niya ang kanyang kalusugan. Ayon pa sa kanya, nakakalakad na siya ulit, pero kapag mahaba ang lalakarin ay mas pinipili na lamang niyang umupo sa mga coffee shop habang hinihintay ang mga kasama sa trip.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inamin din ni Ruffa na pinayuhan niya ang ina na magpahinga at manatili na lang sa hotel, pero hindi raw nagpapapigil si Annabelle. Gusto pa rin daw nitong i-enjoy ang bakasyon sa Italy kahit may limitasyon na ang kilos.

Mabuti na lamang at nakahanap siya ng gamot doon sa Italy, at nakapagpatingin na rin sa mga doktor. Isang malaking ginhawa ito para sa mga nag-aalala sa kanya, lalo na sa mga kaibigan at tagasuporta na patuloy na sumusubaybay sa kanyang kalagayan.

i Annabelle Rama ay isa sa mga iconic personalities sa industriya ng showbiz. Bukod sa pagiging talent manager at ina ng mga artista gaya nina Ruffa at Richard Gutierrez, kilala rin siya bilang matapang, prangka, at palabirong personalidad. Madalas siyang laman ng balita, hindi lamang dahil sa kanyang mga opinyon kundi dahil na rin sa kanyang aktibong presensya sa social events at family gatherings. Sa kabila ng edad, hindi pa rin mapipigilan si Bisaya sa kanyang pagiging gala at aktibo sa social media.

Naglabas ng kanyang saloobin si Annabelle tungkol sa anak niyang si Ruffa at dating manugang na si Yilmaz Bektas. Ayon sa kanya, kahit matagal nang hiwalay ang dalawa, dama raw niya na may natitira pa ring pagmamahal sa isa’t isa. Isang prangkang pahayag mula kay Annabelle na tiyak na pinag-usapan ng maraming netizens.

Ipinahayag ni Mariel Padilla ang pasasalamat kay Annabelle Rama matapos nitong dumalo sa birthday party ng anak nina Ruffa at Yilmaz. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Mariel ang pagiging supportive ni Annabelle sa kanyang pamilya. Pinatunayan muli ni Bisaya na siya’y isang hands-on lola at tunay na haligi ng kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate