Executive producer ng It’s Showtime, aminadong naapektuhan sila ng kasikatan ng AlDub
-Inamin ng executive producer ng It’s Showtime na naapektuhan sila ng kasikatan ng AlDub
-Binahagi ni Trina Genova-Bitara na halos isipin nilang “ipakidnap si Alden” bilang biro
-Kahit may malaking event sa Araneta Coliseum, hindi pa rin nalampasan ang AlDub sa ratings
-Maging ang kanyang mga kaibigang nanonood ng AlDub ay na-unfriend niya sa Facebook
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi maikakaila na noong 2015, sinakop ng AlDub Phenomenon ang puso ng milyun-milyong Pilipino. Ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza, na nagsimula sa “Kalyeserye” segment ng Eat Bulaga, ay naging isang cultural moment na tumatak sa kasaysayan ng telebisyon. Ngunit sa kabilang panig ng entablado, ibinahagi ng executive producer ng It’s Showtime na si Trina Genova-Bitara kung gaano sila nahirapan noong kasagsagan ng AlDub.

Source: Facebook
Sa isang panayam sa Think Talk Tea sa YouTube, inalala ni Trina ang mga panahong tila hindi nila malaman ang gagawin upang makahabol sa lakas ng tambalang AlDub. Sa dami ng manonood na sumusubaybay sa Eat Bulaga tuwing tanghali, aminado si Trina na “gigil na gigil” na sila sa kung paanong kukunin muli ang atensyon ng publiko. “Pa-kidnap natin si Alden,” biro pa niya habang ikinukuwento ang pressure na dinanas ng kanilang programa noon.
Ayon pa kay Trina, dumating sa puntong na-unfriend niya sa Facebook ang mga kaibigang sumusuporta sa AlDub. Ganoon kalaki ang epekto ng tambalan hindi lang sa mga manonood kundi pati sa mga taong nasa likod ng mga katapat nitong programa. Noong panahong iyon, kahit nagsagawa sila ng engrandeng It’s Showtime episode sa Araneta Coliseum kasama ang mga top loveteams tulad nina KathNiel, JaDine, at LizQuen, hindi pa rin nito nalampasan ang hype ng unang pagkikita nina Alden at Maine sa studio ng Eat Bulaga.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang tila pagbabalik ng tadhana—dahil It’s Showtime ay napapanood na rin sa GMA Network, kung saan home talent si Alden Richards. Naging panauhin na rin ang aktor sa noontime show ng Kapamilya, at ayon kay Trina, biro nila nang siya’y dumating sa studio ay: “Si Alden, siya yung gusto naming ipakidnap dati.” Isa itong patunay kung gaano kalalim at makasaysayan ang naging epekto ng AlDub sa telebisyon.
Nagsimula ang AlDub bilang isang unscripted interaction sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga, kung saan nagkita sina Alden Richards at Maine Mendoza (bilang Yaya Dub) sa pamamagitan ng split-screen. Hindi inaasahan ng marami na ang chemistry nila ay agad tatatak sa masa, dahilan upang maging trending araw-araw ang kanilang segment. Noong 2015, halos araw-araw ay number one sa Twitter ang #AlDub hashtags, at umabot pa sa 41 million tweets ang isang episode, isang global record. Bukod sa telebisyon, nagkaroon din sila ng endorsements, pelikula, at concerts, na lalo pang nagpataas ng kanilang kasikatan.
Nagbigay ng reaksyon si Ogie Diaz tungkol sa reaksyon ng ilang AlDub fans kaugnay ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na KathDen. Aniya, sana ay mas maging open-minded ang fans sa mga bagong proyekto at irespeto ang career path ng kanilang mga iniidolo. Tinawag ni Ogie ang pagiging sobrang possessive ng ibang fans bilang hindi healthy.
Hinamon ni Cristy Fermin ang ilang AlDub fans na naninindigan pa rin na may relasyon sina Alden at Maine sa totoong buhay. Ayon kay Cristy, kung totoo ang kanilang sinasabi ay dapat maglabas sila ng matibay na ebidensiya. Dagdag niya, huwag gawing kathang-isip ang buhay ng mga artista at irespeto ang kanilang desisyon sa personal nilang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh