Ogie D sa AlDub fans ukol sa KathDen: "Let's all move on together"

Ogie D sa AlDub fans ukol sa KathDen: "Let's all move on together"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa mga AlDub fans

- Ito ay kaugnay sa komento umano ng mga fans na ito nina Alden at Maine patungkol naman sa KathDen

- Sinasabi umano ng ilang AlDub fans na kasal sina Alden at Maine at mayroon pang mga anak

- Dahil dito, inakusahan pa nila si Kathryn na umano'y nakiki-apid sa may asawa

Natalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa naging reaksyon ng ilan umanong AlDub fans patungkol sa mga lumabas na video at larawan ni Alden Richards kung saan makikitang tila sweet kasama si Kathryn Bernardo.

Ogie D sa AlDub fans ukol sa KathDen: "Let's all move on together"
Ogie D sa AlDub fans ukol sa KathDen: "Let's all move on together" (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Mapapansing tila hindi pa talaga nakaka-move on ang ilang Alden at Maine Mendoza fans at patuloy na naniniwalang ikinasal nga ang dalawa at mayroon pa umanong mga anak.

"Naku girl mag-isip isip ka. If you have self-respect huwag ka ng pumatol sa may asawa't mga anak. Makakahanap ka pa ng ibang walang sabit ng di ka mapulaan," ayon sa isa umanong AlDub fan.

Read also

Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon"

Kaugnay nito, pinaalala ni Ogie na kamakailan lamang ay ikinasal na si Maine sa actor/politician na si Arjo Atayde.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ipahinga na po natin yan ano? Let's all move on together. May asawa na si Maine ano ba. At si Alden nga, nachichismis na nililigawan si Kathryn," ani Ogie.

Gayunpaman, pinaniniwalaan ng marami na ang closeness umano nina Kathryn at Alden ay dahil sa gagawing part 2 ng kanilang pelikula na Hello Love Goodbye na umano'y sasali sa Metro Manila Film Festival ng kasalukuyang taon.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh mula sa kanilang Showbiz Update YouTube channel:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Read also

Ogie Diaz sa Hello Love Goodbye 2: "This time ay sa Canada na kukunan"

Bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala, sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan din nila ang umano'y mga crazy rumors na hanggang ngayon ay naiuugnay sa kanila ng dating ka-love team na si Maine Mendoza. Inakala niyang matatapos na ito nang maikasal si Maine kay Arjo Atayde subalit may ilang fans pa rin na nagsasabing sila umano ni Maine ang ikinasal at nagkaroon pa ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel