Ogie Diaz sa Hello Love Goodbye 2: "This time ay sa Canada na kukunan"

Ogie Diaz sa Hello Love Goodbye 2: "This time ay sa Canada na kukunan"

- Nagbigay detalye si Ogie Diaz sa sinasabing part 2 ng Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo

- Ito umano ang nakikitang dahilan kung bakit madalas makitang nagkakasama sina Alden at Kathryn

- Matatandaang present si Alden sa birthday celebration ni Kathryn kamakailan sa Palawan

- At sa isang surprise birthday celebration din kay Kathryn, nagulat ito nang dumating din doon si Alden kung saan nakunan pa silang 'clingy' umano sa isa't isa

Nakapagbigay ng ilang detalye si Ogie Diaz patungkol sa sinasabing part 2 ng Hello Love Goodbye.

Ogie Diaz sa Hello Love Goodbye 2: "This time ay sa Canada na kukunan"
Ogie Diaz sa Hello Love Goodbye 2: "This time ay sa Canada na kukunan" (@lovelyabella_)
Source: Instagram

Matatandaang ito ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na minsang nataguriang highest grossing film bago pa hirangin ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang 'Rewind.'

Ani Ogie, may ilang nagsasabi umano na ito ang dahilan kung bakit nakikitang madalas na nagkakasama sina Alden at Kathryn.

Read also

Vice Ganda at Darren Espanto, kinaaliwan sa kanilang "JEEPpool karaoke"

"Nakatakda nang simulan ang kanilang part 2 ng Hello Love Goodbye na this time ay sa Canada na kukunan with Direk Cathy Garcia pa rin ang mamamahala at ipalalabas daw sa MMFF. Eto nga at maraming kinikilig," Ayon kay Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang present si Alden sa birthday celebration ni Kathryn sa Palawan kamakailan kung saan kasama rin nila ang ilang caast ng HLG.

Tuloy naman ang pagpapakilig umano ng dalawa nang muling makita si Alden na tila sinurpresa si Kathryn sa isang birthday bash pa muli para sa kanya.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

PNP, iaapela ang pagkakabasura sa reklamo sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita noon bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Samantala sa 28th birthday ni Kathryn, isang makabuluhang mensahe ang handog ng kanyang inang si Min Bernardo. Nilarawan niya si Kath na "you haven’t felt okay lately" subalit kahanga-hanga umano ito kung paano bumabangon araw-araw at hindi sumusuko at labis umano niyang na-appreciate ang pagpapahalaga ni Kathryn sa paggabay ng pamilya niya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel