Kris Aquino ay nagsalita tungkol sa mga haka-haka na siya ay biktima ng “kulam”

Kris Aquino ay nagsalita tungkol sa mga haka-haka na siya ay biktima ng “kulam”

-Kris Aquino ay nagsalita laban sa mga haka-haka na siya ay biktima ng “kulam”

-Iginiit niyang pagod na siya sa mga maling balita at humiling na itigil ito

-Nanatiling matibay ang kanyang pananampalataya sa kabila ng hirap na dinaranas

-Patuloy ang suporta at panalangin ng netizens para sa kanyang paggaling

Sa gitna ng kanyang matinding laban sa autoimmune diseases, muling umalma si Kris Aquino laban sa mga kumakalat na maling balita tungkol sa kanyang kalagayan. Ayon sa Queen of All Media, sawa na siya sa mga tsismis na kinulam umano siya kaya’t bigla ang paglala ng kanyang kalusugan. Sa isang post sa Instagram, emosyonal na hiniling ni Kris sa publiko na tigilan na ang ganitong klase ng pag-iisip.

Kris Aquino ay nagsalita tungkol sa mga haka-haka na siya ay biktima ng “kulam”
Kris Aquino ay nagsalita tungkol sa mga haka-haka na siya ay biktima ng “kulam” (📷@krisaquino/Instagram)
Source: Instagram

Aniya, “Matagal ko nang gustong tumira sa tabing-dagat kasi ‘yung simoy ng hangin sobrang nakakatulong, bukas na lang after my pet scan I will tell you the TRUTH because I am so tired of seeing I am dead, na itong healer ang may solusyon, na may kumulam sa ‘kin—please STOP.”

Mula nang magkasakit si Kris, maraming netizens ang naglabas ng kani-kanilang opinyon tungkol sa pinagmulan ng kanyang kondisyon. Ang ilan ay nagsasabing posibleng gawa umano ito ng “kulam” o black magic. Ngunit sa kabila ng mga haka-haka, nananatili ang katatagan ni Kris sa pananampalataya at panalangin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“My faith in God’s mercy, in the salvation from Jesus Christ becoming man, and in Mama Mary’s mantle of protection – it remains strong. Let’s all continue to pray for everyone experiencing pain daily,” dagdag pa niya.

Narito ang ilang netizens' comments:

“Grabe, napaka-unfair ng mga ganung tsismis. Praying for you Ms. Kris!”
“Kris Aquino deserves peace and healing, hindi haka-haka.”
“Sana naman tumigil na yung mga naninira. Ang dami na niyang pinagdadaanan.”

Bukod sa kanyang kalagayan, ginagamit pa rin ni Kris ang kanyang plataporma upang ipahayag ang suporta sa mga isyung panlipunan. Kamakailan, hayagan niyang iniendorso ang PROBINSYANO AKO Party-list at nagpahayag ng hangarin na tumaas ang sahod ng mga health workers sa bansa upang hindi na sila mag-abroad.

Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakakilalang personalidad sa larangan ng telebisyon, pelikula, at politika sa Pilipinas. Kilala bilang “Queen of All Media,” naging bahagi siya ng maraming talk shows, pelikula, at endorsement deals. Anak siya ng yumaong dating Pangulong Cory Aquino at Senador Ninoy Aquino, at ina ng teen personality na si Bimby. Sa mga nagdaang taon, pansamantala siyang tumigil sa showbiz upang ituon ang pansin sa kanyang kalusugan.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Kris ang kanyang suporta sa pangarap ng anak niyang si Bimby na maging abogado. Ayon sa kanya, proud siya sa maturity ni Bimby at sa pagkakaroon nito ng malinaw na layunin sa buhay. Dagdag pa niya, naniniwala siyang may magandang kinabukasan ang kanyang anak sa larangang pipiliin nito.

Muling humingi ng panalangin si Kris sa mga netizens matapos isiwalat ang panibagong health struggle. Inamin niyang nahihirapan na siyang maglakad dahil sa kanyang mga karamdaman, at patuloy siyang dumadaan sa serye ng medical procedures. Sa kabila nito, pinipili pa rin niyang magpakatatag at magpasalamat sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate