Ivana Alawi, umapela sa publiko: ‘Huwag boboto dahil lang sa kasikatan’

Ivana Alawi, umapela sa publiko: ‘Huwag boboto dahil lang sa kasikatan’

-Namahagi ng tulong si Ivana Alawi sa mga vendor sa palengke at naranasan mismo ang hirap ng buhay

-Sa kanyang vlog, ibinahagi niya ang mga realizations matapos makita ang taas ng presyo ng bilihin

-Nanawagan siya sa publiko na maging matalino sa pagboto ngayong Eleksyon 2025

-Inalala rin ni Ivana na hindi dapat kasikatan ang basehan sa pagboto kundi ang plataporma at tunay na serbisyo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ngayong papalapit na ang Eleksyon 2025, isa sa mga kilalang personalidad na hindi natatakot maghayag ng saloobin ay si Ivana Alawi. Sa kanyang viral vlog na pinamagatang Prank sa palengke.

Ivana Alawi, umapela sa publiko: ‘Huwag boboto dahil lang sa kasikatan’
Ivana Alawi, umapela sa publiko: ‘Huwag boboto dahil lang sa kasikatan’ (📷@ivanaalawi/IG)
Source: Instagram

Pag tumulong ka x1000 ang balik, hindi lang siya namudmod ng tulong sa mga vendor kundi nagbahagi rin ng makabuluhang pahayag tungkol sa kahalagahan ng matalinong pagboto. Sa gitna ng pagmamahal sa mga mamamayan at pagkabigla sa taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, emosyonal na ibinahagi ni Ivana ang kanyang mga realizations.

“Ang dami kong realizations after ng vlog na ’to na napakamahal ng mga bilihin na talaga,” ani Ivana. “Kahit sa mga palengke, minsan wala na silang mabenta.” Habang inikot niya ang palengke, nakita niya ang paghihirap ng mga mangingisda at vendor na araw-araw ay lumalaban para lang may maiuwi sa pamilya. Dahil dito, hindi niya napigilang manawagan sa publiko na bumoto nang maayos ngayong eleksyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Lahat talaga hirap na hirap. Kita naman natin ang struggle ng ating mga mangingisda. Kita rin natin ang struggle ng ating mga vendors sa palengke,” dagdag niya. Pagpapatuloy niya, “Kaya lagi ko kayong nire-remind na sana sa darating na eleksyon, bumoto tayo nang tama. Mag-isip tayo bago tayo bumoto.” Pinunto rin niya na hindi dapat kasikatan ang maging basehan ng boto: “Huwag tayong boboto dahil sikat. Dapat ‘yung mayroong gagawin talaga sa bansa natin.”

Bukod kay Ivana, nagsanib-puwersa rin ang mga Sparkle artists upang maglabas ng bagong bersyon ng Panata Sa Bayan music video bilang paalala sa kabataan at botante. Kabilang sa mga nagbigay-buhay sa makabayang awitin sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Kyline Alcantara, at marami pang iba. Naging inspirasyon ang kanta at nag-iwan ng mensahe ng pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa bayan ilang araw bago ang halalan.

Si Ivana Alawi ay isa sa pinakasikat na content creators at aktres sa bansa. Bukod sa kanyang pagiging YouTube sensation, kilala rin siya sa kanyang mga charity works at paminsang paglalantad ng kanyang saloobin sa mahahalagang isyu sa lipunan. Sa kabila ng kanyang image, palaging may laman ang kanyang mga proyekto at adbokasiya. Isa siya sa mga celebrity na ginagamit ang kanyang plataporma upang magmulat ng kamalayan sa kanyang milyon-milyong followers.

Sa isang article ng KAMI, pinuri ni Ivana ang mga litrato ni Nadine Lustre sa isang “secret beach spot.” Kitang-kita ang admiration ni Ivana sa natural na ganda ng kalikasan at ang aesthetic ni Nadine sa mga kuhang larawan. Ipinakita rin ng post ang simpleng bonding ni Ivana kasama ang kanyang pamilya sa beach getaway.

Sa panayam, nilinaw ni Ivana ang mga haka-haka tungkol sa kanyang umano'y pagpaparetoke. Aniya, hindi siya sumailalim sa anumang surgery at mas pinili niyang tanggapin ang kanyang natural na anyo. Bukas din niyang ibinahagi ang kanyang insecurity tungkol sa kanyang legs, isang bagay na matagal na niyang kinokonsidera bilang personal struggle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: