Ethan David, humingi ng tawad matapos ang kontrobersyal na video kasama ang BINI members

Ethan David, humingi ng tawad matapos ang kontrobersyal na video kasama ang BINI members

-Isang viral na video ang nagpakita ng hindi angkop na kilos nina Ethan David at Shawn Castro kasama ang ilang miyembro ng BINI

-Maririnig sa video ang mga komento na tila tumutukoy sa isang menor de edad, na ikinabahala ng mga netizen

-Humingi ng paumanhin sina Ethan David at BINI sa publiko ukol sa insidente

-Umani ng batikos at suporta ang mga sangkot sa social media matapos ang paglabas ng video

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang kontrobersyal na video ang kumalat kamakailan sa social media, kung saan makikita sina Ethan David ng all-male group na GAT at social media personality na si Shawn Castro na gumagawa ng hindi angkop na kilos sa harap ng ilang miyembro ng P-pop girl group na BINI. Sa nasabing video, maririnig ang mga komento na tila tumutukoy sa isang menor de edad, na agad na umani ng batikos mula sa mga netizen.

Ethan David, humingi ng tawad matapos ang kontrobersyal na video kasama ang BINI members
Ethan David, humingi ng tawad matapos ang kontrobersyal na video kasama ang BINI members (📷@ethandavidd/IG)
Source: Instagram

Sa video, makikita sina Ethan at Shawn na tila nagbibiro at gumagawa ng maselang kilos, habang maririnig ang mga tinig ng tatlong babae na sinasabing sina BINI Jhoanna, Colet, at Stacey. Isa sa mga tinig ang nagsabi ng, "Ganiyan ginagawa niya kay Ashley," na sinundan ng, "Oo, sinasabunutan," at "13 years old." Ang mga pahayag na ito ay ikinabahala ng maraming netizen, na nagsabing tila ginagawang biro ang seryosong isyu ng "gro0ming" o pang-aabuso sa menor de edad.

Bilang tugon sa kontrobersya, naglabas ng pahayag si Ethan David sa kanyang social media account. Aniya, "I take full responsibility for my actions and I sincerely apologize for the unnecessary gestures I made." Dagdag pa niya, "I promise to take the time to educate myself about my behavior and further reflect on my character, in order to learn from this incident and to become a more sensitive, respectful and mature person."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, naglabas din ng pahayag ang BINI sa kanilang official social media accounts. Ayon sa kanila, "Nagkamali kami. We definitely did not intend to hurt anyone in the process. We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability."

Ang insidente ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko. May mga netizen na nanawagan ng accountability mula sa mga sangkot, habang ang iba naman ay naniniwalang dapat bigyan ng pagkakataon ang mga ito na magpaliwanag at matuto mula sa kanilang pagkakamali.

Si Ethan David ay miyembro ng GAT, isang all-male P-pop group na kilala sa kanilang mga performances at kanta. Ang grupo ay patuloy na umaangat sa industriya ng musika sa Pilipinas.

Ang BINI naman ay isang all-female P-pop group na binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Kilala sila sa kanilang mga hit songs at performances, at kinikilala bilang "Nation's Girl Group."

Ibinahagi ni Sheena Catacutan ng BINI ang kanyang emosyonal na karanasan matapos ipalabas ang kanyang episode sa Maalaala Mo Kaya. Sa kanyang Instagram post, inalala niya ang kanyang ina at lolo, at nagpasalamat sa MMK sa pagbibigay ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang kwento.

Pinuri ng netizens sina Jhoanna Robles at Gwen Apuli ng BINI matapos nilang makapagtapos ng senior high school sa Japan-Philippines Institute of Technology. Sa kabila ng kanilang abalang schedule bilang performers, nagawa nilang pagsabayin ang edukasyon at karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate