Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…”

Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…”

-Ibinahagi ni Jean Garcia na 11 taon na siyang walang karelasyon at choice niya ito

-Kontento at masaya raw siya sa buhay na kasama ang kanyang pamilya, apo, at mga kaibigan

-Hindi na raw siya naghahanap ng love life at mas pinipili ang peace of mind kaysa stress

-Naniniwala siyang hindi siya ang problema kundi ang mga lalaki, sabay tawa sa panayam kay Boy Abunda

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang higit isang dekadang pagiging single, inamin ng batikang aktres na si Jean Garcia na mas pinili na lamang niyang yakapin ang katahimikan at kasiyahan sa buhay nang walang ka-relasyon.

Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…”
Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…” (📷@chic2garcia/Instagram)
Source: Instagram

Sa naging panayam niya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” buong tapang niyang ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa pagiging single at kung bakit hindi na siya naghahangad ng bagong pag-ibig.

“Parang iniisip ko na lang sa sarili ko na mag-aalaga na lang ako ng mga apo ko, ng mga anak ko. Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung talagang para sa akin, or baka napalampas ko na kasi, kaya ginawa na lang ng Panginoon na makuntento ka na lang na mag-isa,” ani Jean, sabay tawa pero may halong katotohanan ang mga salitang binitawan.

Read also

Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Walang halong lungkot o pagsisisi ang aktres habang ikinukuwento kung paano siya naging mas masaya at kuntento sa kanyang personal life kahit walang love life. Para sa kanya, sapat na ang pagmamahal ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagahanga para mapunan ang anumang kulang.

“Because I don’t take life too seriously. ‘Yung sa akin kasi, bakit mo ii-stress-in ang sarili mo? Kapag may problema, solusyunan mo unti-unti,” aniya. Pinaniniwalaan daw niyang lahat ng problema ay may solusyon, at kung wala man, hindi na raw iyon problema tulad ng sinabi sa kanya ni Boy Abunda: “Kapag ang problema walang solusyon, it’s not a problem.”

Sa nakakatuwang bahagi ng interview, tinanong ni Tito Boy si Jean kung ano ang alam niya tungkol sa mga kalalakihan. “Mali ka yata ng tinanong, Kuya Boy, baka mawalan ako ng male viewers,” biro niya habang natatawa. Ngunit sa mas seryosong tono ay binitawan niya ang isang linyang bumalot sa damdamin ng maraming babaeng kagaya niya: “Maaaring hindi ikaw ang problema, lalaki ang problema. By choice, e.”

Read also

Marissa Sanchez, emosyonal na nagbigay-pugay kay Ricky Davao: “Wala ka na"

KILALANIN SI JEAN GARCIA:

Si Jean Garcia ay isa sa pinaka-respetadong aktres sa industriya ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Kilala siya sa husay sa pagganap bilang kontrabida, pati na rin sa mga drama roles na tumatatak sa mga manonood. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa karera, mas pinili niyang manatiling pribado at tahimik ang personal na buhay. Isa rin siyang hands-on na ina at lola, na inuuna ang pamilya higit sa lahat.

Nagpakita ng solidong suporta sina Jean Garcia at Rita Daniela para sa kanilang co-star na si Barbie Forteza sa gitna ng mga usaping kinakaharap nito sa industriya. Ayon sa ulat, parehong nagbahagi ang dalawa ng mensaheng puno ng respeto at paghanga sa dedikasyon at professionalism ni Barbie. Patunay ito sa magandang samahan sa pagitan ng mga Kapuso stars.

Sa isang nakakatuwang post, tinawag ni Jennica Garcia ang kanyang inang si Jean Garcia na “Pokémon” dahil sa pagiging ageless nito. Nag-react si Jean sa comment ng anak na may halong kilig at saya, na ipinapakita ang close at candid na ugnayan nilang mag-ina. Maraming netizens ang humanga sa youthful looks at natural charm ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate