Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"

Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"

-Pormal nang namumuhay bilang lay person sa Caryana Monastery sa Pampanga si Alicia Alonzo

-Inilahad ng aktres na gusto niyang ialay ang kanyang nalalabing panahon sa paglilingkod sa Diyos

-Nagsimula ang kanyang debosyon matapos imbitahan ng kaibigan na magsimba sa monastery

-Pakiramdam ni Alicia ay natagpuan niya ang tunay na layunin ng kanyang buhay sa pagiging malapit sa Diyos

Isang tahimik ngunit makabuluhang desisyon ang ginawa ng beteranang aktres na si Alicia Alonzo nang piliin niyang talikuran ang magarbong mundo ng showbiz upang ialay ang kanyang sarili sa Diyos. Sa panayam ni Julius Babao sa YouTube, ibinahagi ni Alicia ang kanyang buhay ngayon sa Caryana Monastery sa Pampanga, kung saan siya ay namumuhay bilang lay person.

Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"
Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit" (📷Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

“Ang goal ko lang is sana makarating ako sa langit,” saad ni Alicia, na magseseventy-nine na sa darating na Hunyo. Aniya, napagtanto niyang panahon na para italaga ang kanyang natitirang buhay sa Panginoon, matapos ang mahabang panahong inilaan sa personal na kagustuhan.

Read also

Marissa Sanchez, emosyonal na nagbigay-pugay kay Ricky Davao: “Wala ka na"

Ayon kay Alicia, nagsimula ang kanyang espirituwal na paglalakbay nang imbitahan siya ng kapitbahay na miyembro ng monastery upang magsimba. Mula roon ay unti-unting lumalim ang kanyang koneksyon sa Caryana at sa Diyos. “I kept on coming talaga,” aniya, hanggang sa naging regular na ang kanyang pananatili doon tuwing weekends, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang pagbabahagi, dumaan din siya sa pagsubok nang siya ay ma-ospital dahil sa matinding vertigo. Doon niya lalong nadama ang pangangailangan ng malalim na pananampalataya. “Dito ako nag-request, kung pwede ako mag-stay. Nag-stay ako dito for one week so nakita ko ‘yung buhay,” kwento niya.

Ngayon ay aktibo na siya sa panalangin at gawaing pangkomunidad sa monastery. Bahagi ng kanyang bagong buhay ang pagsali sa Divine Office — pitong beses sa isang araw silang nananalangin, simula alas-singko y medya ng umaga. Malinaw na para kay Alicia, ang tunay na kaligayahan ay hindi na matatagpuan sa kasikatan kundi sa katahimikan ng paglilingkod.

Read also

Xyriel Manabat, emosyonal sa pagbasa ng liham ng ama sa PBB: “I found peace”

“Nu’ng nandito na ako, parang feeling ko naramdaman ko ‘yung freedom, parang I’m free,” aniya pa. “Basta ang focus mo lang is sana makarating ako… salvation.”

Si Alicia Alonzo ay isang kilalang aktres sa telebisyon at pelikula na nakilala dahil sa kanyang galing sa pag-arte at sa mga papel na ginampanan niya sa loob ng ilang dekada. Isa siya sa mga iginagalang na personalidad sa industriya ng showbiz, na ngayo'y pinili nang tahimik ang buhay para maglingkod sa pananampalataya.

Noong Abril 2019, iniulat ng KAMI.com.ph na si Chin-Chin Gutierrez ay ganap nang naging madre, kilala na bilang Sister Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez. Ang kanyang desisyon na iwan ang mundo ng showbiz upang italaga ang kanyang buhay sa Diyos ay hinangaan ng marami.

Noong Agosto 2020, ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post na si Chin-Chin Gutierrez ay ganap nang Carmelite nun matapos ang ilang taong pagiging novice. Pinuri niya ang desisyon ni Chin-Chin na iwan ang mundo ng showbiz para sa mas malalim na espiritwal na buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate