Rabiya Mateo sa resulta ng paghahanap sa ama: "Hindi lang sa resultang ine-expect ko"

Rabiya Mateo sa resulta ng paghahanap sa ama: "Hindi lang sa resultang ine-expect ko"

-Matagal nang plano ni Rabiya Mateo na makipagkita sa kanyang ama sa Amerika

-Hindi naging ayon sa inaasahan ang naging resulta ng kanyang paghahanap

-Ibinunyag ni Rabiya na may dalawa siyang kapatid sa ama at handa siyang makipag-ugnayan sa kanila

-Tanggap na ni Rabiya ang nangyari at nahanap niya ang closure na matagal na niyang hinahanap​

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

May halong kirot at kagaanan ng loob ang naramdaman ni Rabiya Mateo sa pagkakamit ng matagal na niyang hangarin—ang makilala at makausap ang kanyang ama sa Amerika.

Rabiya Mateo sa resulta ng paghahanap sa ama: "Hindi lang sa resultang ine-expect ko"
Rabiya Mateo sa resulta ng paghahanap sa ama: "Hindi lang sa resultang ine-expect ko" (📷@rabiyamateo/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang panayam sa Chika Minute, ibinahagi ni Rabiya ang kanyang emosyonal na karanasan matapos ang pagbabakasyon sa U.S., kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa kanyang ama na matagal na silang iniwan.​

"Matagal ko na talagang plano, matagal ko nang hinihingi sa GMA 'yung bakasyon na 'to because I wanted to be connected with my dad and nangyari naman siya," ani Rabiya.​

Subalit, aminado ang beauty queen na hindi naging ayon sa kanyang inaasahan ang naging resulta.​

Read also

Bimby Aquino, di na papasok sa showbiz: "School muna, taking care of mama"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero hindi lang sa resultang ine-expect ko or gusto ko. However, it's the closure that I needed," dagdag niya.​

Bagama’t hindi niya ibinahagi ang buong detalye ng nangyari, kinumpirma ni Rabiya na nalaman niyang may dalawa siyang kapatid sa ama. Hindi man naayon sa kanyang kagustuhan ang naging tagpo, masaya siya sa simpleng kaalaman na ligtas at maayos ang kalagayan nito.​

"At least I was able to know na may kapatid ako sa kaniya, may dalawa akong kapatid and may totoong tatay ako and I’m happy that he's okay. 'Yun 'yung importante doon. So, anytime naman, bukas 'yung pintuan ko for my family sa US," pahayag pa niya.​

Sa kabila ng nangyari, sinulit din ni Rabiya ang kanyang pananatili sa Amerika sa pamamagitan ng pag-subok sa extreme sports gaya ng sky diving, na aniya'y bahagi ng kanyang self-growth journey.​

Si Rabiya Mateo ay isang Pinay beauty queen, aktres, at edukadora. Nakilala siya sa buong bansa matapos siyang koronahang Miss Universe Philippines noong 2020. Bukod sa kanyang ganda at talino, hinangaan si Rabiya sa kanyang determinasyong gampanan ang responsibilidad bilang beauty queen habang patuloy na lumalaban sa mga personal na hamon sa buhay.​

Read also

Tahimik Pero Palaban: Kyline Alcantara, Ibinahagi ang Laban sa Loob ng Showbiz

Tubong Iloilo, isinilang si Rabiya Mateo sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan sila ng kanyang amang isang American citizen noong siya'y limang taong gulang pa lamang. Lumaki siyang puno ng tanong, subalit sa kabila nito ay pinili niyang magpakatatag para sa kanyang ina at sarili.

Noong Abril 24, 2025, naiulat na nagtamo ng injuries si Rabiya Mateo matapos siyang maaksidente habang nagwa-wakeboard. Ayon sa ulat, kinailangang gamutin ang mga galos at pasa na tinamo ng beauty queen, ngunit nanatili siyang positibo at inilarawan ang insidente bilang bahagi lamang ng kanyang adventurous journey. Makikita sa kanyang mga social media post na hindi siya nawalan ng gana sa pagtuklas ng mga bagong karanasan.

Naging usap-usapan si Rabiya matapos umalma ang kapatid ng kanyang dating nobyo sa mga pahayag niya sa programang “Fast Talk.” Sa panayam, sinabi ni Rabiya ang kanyang panig hinggil sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend, na siyang naging dahilan para maglabas ng saloobin ang kapatid ng lalaki. Ipinunto nito na may mga sinabi si Rabiya na hindi umano patas at tila pag-iwas sa responsibilidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: