Huling mensahe ni Nora Aunor kay Ian de Leon, tinuring na “Paramdam” bago ang pagpanaw ng Superstar

Huling mensahe ni Nora Aunor kay Ian de Leon, tinuring na “Paramdam” bago ang pagpanaw ng Superstar

- Inalala ni Ian de Leon ang huling mensahe sa kanya ng yumaong ina na si Nora Aunor

- Ayon kay Ian, hiniling ni Ate Guy na halikan siya ng kanyang mga apo bilang pagpaparamdam ng pagmamahal

- Iginiit ni Ian na kahit maraming pagsubok sa pamilya ay nanatiling malapit sa Diyos ang kanyang ina

- Nakaburol pa rin si Ate Guy sa Heritage Park at ililibing sa Libingan ng mga Bayani sa Abril 22

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Ian de Leon mula sa kanyang inang si Nora Aunor ilang araw bago ito pumanaw. Sa panayam ng "24 Oras," emosyonal na ibinahagi ni Ian ang kanilang naging huling pag-uusap sa pamamagitan ng chat kung saan tila may "paramdam" na si Ate Guy tungkol sa nalalapit nitong pagpanaw.

Huling mensahe ni Nora Aunor kay Ian de Leon, tinuring na “Paramdam” bago ang pagpanaw ng Superstar
Huling mensahe ni Nora Aunor kay Ian de Leon, tinuring na “Paramdam” bago ang pagpanaw ng Superstar (📷Kistoffer Ian De Leon/Facebook)
Source: Instagram

“Ang pinakahuli niyang message po sa akin, sabi niya, ‘Anak, pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ‘ko sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila,’” salaysay ni Ian na halatang pinipigilang maiyak.

Read also

Ate Gay, binaha ng “RIP” messages matapos ang pagpanaw ni Nora Aunor: “Maliiiiiii juskoooo po!”

Ayon sa aktor, agad siyang tumugon upang pasiglahin ang ina, “’Ma, ‘wag ka namang ganyan magsalita. Mag-a-outing pa tayo, ‘di ba? Magbi-birthday ka pa. Magba-bonding pa tayo.” Ngunit hindi niya inaasahan na iyon na pala ang magiging huling mensahe ng kanyang ina sa kanya.

“Lahat po kami binantayan namin siya, talagang hindi namin po siya iniwanan sa tabi niya,” dagdag pa niya habang inaalala ang mga huling sandali ni Nora sa piling ng kanilang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang tanungin kung paano niya nais na alalahanin ng publiko ang kanyang ina, mariing sinabi ni Ian, “Ang pagiging malapit sa Diyos.” Aniya, sa kabila ng mga pagsubok, laging itinuturo ng ina ang kahalagahan ng pananampalataya, kapatawaran, at pagmamahal.

Bukod kay Ian, nagsalita rin ang panganay na anak ni Ate Guy na si Lotlot de Leon. Ayon sa kanya, hindi matatawaran ang kabutihan ng kanyang ina. “As a person, a lot of people can testify on my mom’s generosity, you know? Hindi lang sa craft niya, kung hindi sa lahat ng bagay,” ani Lotlot.

Read also

Ate Gay nagpapasalamat sa career dahil kay Nora Aunor: Hindi siya maramot

Pumanaw si Nora Aunor, na kilala bilang “Superstar” at National Artist for Film and Broadcast Arts, noong Miyerkules, Abril 16, sa edad na 71. Ayon sa anak niyang si Ian, acute respiratory failure ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Si Nora Aunor, o Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor sa totoong buhay, ay isa sa pinakatanyag at pinakakilalang aktres sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Tinaguriang “Superstar,” nakilala siya hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati sa kanyang natatanging tinig bilang singer. Noong 2022, pinarangalan siya bilang National Artist for Film and Broadcast Arts. Ilan sa kanyang mahahalagang pelikula ay Himala, Tatlong Taong Walang Diyos, at Bona. Siya rin ay ina ng mga artista tulad nina Ian at Lotlot de Leon.

Binahagi ni Lotlot de Leon ang kanyang taos-pusong tribute para sa kanyang ina, ang yumaong Superstar na si Nora Aunor. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inalala ni Lotlot ang walang hanggang koneksyon ng kanyang ina sa mga tagahanga at sa industriya ng pelikula. Ang kanyang mga salita ay nagpapakita ng malalim na pagmamahal at paghanga sa iniwang pamana ni Nora.

Read also

Ian De Leon, pinabulaan ang sinasabing naging dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor

Samantala, nagbibigay-pugay sa buhay at karera ni Nora Aunor, na pumanaw sa edad na 71. Tinalakay dito ang kanyang mga kontribusyon sa industriya ng pelikula, kabilang ang mahigit 170 pelikula at mga teleserye. Binanggit din ang kanyang pagkilala bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022 at ang kanyang mga adbokasiya sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate