Bela Padilla, nagpaliwanag sa pag-unfollow kina Piolo Pascual at Kyle Echarri

Bela Padilla, nagpaliwanag sa pag-unfollow kina Piolo Pascual at Kyle Echarri

- Napansin ng netizens ang pag-unfollow ni Bela Padilla kina Piolo Pascual at Kyle Echarri sa Instagram

- Inamin ni Bela na sinasadya niyang isa-isang i-unfollow ang kanyang mga fina-follow bilang bahagi ng pag-declutter ng account

- Ipinaliwanag niyang balak niyang ibalik isa-isa ang kanyang mga kaibigan matapos ma-reset ang kanyang followers list

- Naging positibo ang pagtanggap ng netizens at naunawaan nila ang layunin ni Bela sa kanyang ginawa

Usap-usapan ng netizens kamakailan ang biglaang pag-unfollow ni Bela Padilla kina Piolo Pascual at Kyle Echarri sa Instagram, pati na rin sa ilan pang personalidad sa showbiz. Agad itong ibinahagi ni X user @auntieselina_ matapos mapansin ang pagbabago sa followers list ng aktres.

Bela Padilla, nagpaliwanag sa pag-unfollow kina Piolo Pascual at Kyle Echarri
Bela Padilla, nagpaliwanag sa pag-unfollow kina Piolo Pascual at Kyle Echarri (📷@bela/Instagram)
Source: Instagram

Sa halip na itanggi, mabilis na umamin si Bela at ipinaliwanag ang kanyang intensiyon sa nasabing galaw. Ayon sa kanya, isa lamang itong bahagi ng kanyang personal na layunin na linisin o "declutter" ang kanyang social media account.

Read also

COMELEC, muling nagpataw ng show cause order kay Atty. Ian Sia

“I woke up one day and I was following around 7,000 people,” sabi ni Bela. “So now, I’m trying to declutter by bringing my following down to zero slowly and then will follow my friends back one by one after. I was just talking to Kyle about last night.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

🗨️ “Buti na lang si Bela ay hindi pa-showbiz, diretsong sinabi ang dahilan. Walang halong drama.”
🗨️ “Nakakatuwa na hindi siya defensive. Mas naging clear tuloy ang side niya.”
🗨️ “Iba talaga kapag honest ang celeb, hindi na lalaki pa ang issue.”
🗨️ “Tama lang ‘yang social media decluttering, minsan kailangan mo rin ng fresh start online.”

Aminado ang aktres na hindi personal ang dahilan ng kanyang pag-unfollow at wala itong kinalaman sa anumang alitan. Sa katunayan, nakausap pa raw niya si Kyle kamakailan bago kumalat ang isyu.

Sa kabuuan, nauwi sa maayos na paliwanagan ang kontrobersiya. Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Bela at pinuri siya sa pagiging bukas at transparent tungkol sa kanyang social media activity.

Read also

Kylie Padilla, aminadong nanghinayang sa kanyang Encantadia role

Si Krista Elyse Hidalgo Sullivan, mas kilala bilang Bela Padilla, ay isang Pilipinang aktres, modelo, manunulat ng iskrip, at prodyuser ng pelikula. Ipinanganak noong Mayo 3, 1991, sa Makati City, Pilipinas, siya ay may lahing Briton at Pilipino; Briton ang kanyang ama at Pilipina ang kanyang ina.

Sinimulan ni Bela ang kanyang karera sa showbiz noong siya ay 16 na taong gulang. Natuklasan siya ni Jet Valle habang nasa isang journalism trip at ipinakilala sa ABS-CBN sa pamamagitan ng Star Magic Batch 15. Sa paglipas ng panahon, lumipat siya sa GMA-7 at kalaunan ay bumalik sa ABS-CBN, kung saan lalo pang sumikat ang kanyang pangalan.

Noong Mayo 2023, nagbigay ng taos-pusong mensahe si Kim Chiu para sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan na si Bela Padilla. Sa kanyang Instagram post, binigyang-diin ni Kim ang kabutihan at pagiging mapagpakumbaba ni Bela, at sinabing hindi magiging kumpleto ang kanilang grupo na "AngBeKi" kung wala siya.

Read also

COMELEC, pinasisilip si Jay Ilagan sa umano’y “laos” na patutsada kay Vilma Santos-Recto

Sa kaarawan naman ni Kim Chiu, nagbigay si Bela Padilla ng isang nakakaantig na pagbati. Ipinahayag ni Bela ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga kay Kim, na tinawag niyang "prettiest," at ibinahagi ang kanilang mga masasayang alaala bilang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate