Liza Diño-Seguerra, nawalan ng mamahaling relo at laptop sa kanyang checked-in luggage sa NAIA
- Pinaghihinalaang nawalan ng Apple Watch Ultra 2 at laptop si Liza Dino-Seguerra matapos dumating sa NAIA mula San Francisco
- Napansin nila ni Ice Seguerra na tila may hiwa ang kanyang maleta na posibleng ginamitan ng kutsilyo
- Agad na kumilos ang PAL at DOTR matapos mag-viral ang post ni Seguerra tungkol sa insidente
- Isinagawa ng PAL ang imbestigasyon ngunit wala pang malinaw na ebidensya kung sino ang responsable sa pagkawala ng mga gamit
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nawalan daw ng mamahaling relo at laptop si Liza Diño-Seguerra, dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), matapos dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa San Francisco noong Miyerkules.

Source: Instagram
Ayon kay Diño, napansin niyang nawawala ang kanyang Apple Watch Ultra 2 at isang laptop mula sa kanyang checked-in luggage matapos makauwi. “Pagdating ko, dumating naman ‘yung maleta.
Siyempre, normally kapag dumadating naman ‘yang maleta, hindi mo na siya chine-check ‘yung sa loob. Pagdating namin sa bahay, binili ko ito ng watch, ‘yung Apple Watch tsaka laptop. Pagbukas namin, wala na talaga,” pahayag niya sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napansin naman ng kanyang asawa, si Aiza “Ice” Seguerra, na tila may hiwa ang maleta ni Liza, na aniya’y posibleng ginamitan ng kutsilyo. “Sobrang parang may knife, na naka-cut siyang ganun. Sobrang precise ng pagkaka-cut,” sabi ni Ice.
Ayon kay Diño, inilagay niya ang relo at laptop sa kanyang checked-in luggage dahil tatlo na ang dala niyang laptop sa kanyang backpack at maaaring lumagpas siya sa carry-on limit. “May limit kasi sa eroplano kung gaano kabigat,” paliwanag niya.
Hinala ni Diño, hindi TSA sa US ang kumuha ng kanyang gamit dahil karaniwang nag-iiwan ang mga ito ng notice of inspection kung may kinumpiska silang item. Dagdag pa niya, gumagamit umano ang TSA ng espesyal na kagamitan sa pagbukas ng luggage at hindi kutsilyo.
Matapos mag-viral sa social media ang post ni Seguerra tungkol sa insidente, agad na nakipag-ugnayan sa kanila ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) at isang assistant ni Transportation Secretary Vince Dizon.
“Gusto kong maniwala na aktibo sila sa pagresolba ng mga ganitong isyu sa NAIA dahil mukha ng Pilipinas ‘yan,” ani Diño.
Isinagawa ng PAL ang dalawang araw na imbestigasyon kung saan sinuri ang CCTV footage sa baggage area at isinailalim sa body search ang mga staff na naka-duty noong araw na iyon. Gayunpaman, wala pa umanong malinaw na ebidensya kung sino ang responsable sa pagkawala ng mga gamit.
Ayon sa pamunuan ng PAL, babayaran nila ang halaga ng nawawalang relo na nagkakahalaga ng $1,000 USD ngunit hindi nila sasagutin ang halaga ng laptop.
Hinimok ni Diño ang mga awtoridad ng paliparan na palakasin ang seguridad upang maiwasan ang ganitong insidente sa hinaharap. “’Yun ‘yung parang nakakatakot na feeling. I have been traveling even before, matagal na, for the last 30 years. First time ko ma-experience na kinuha sa loob ng maleta mo,” saad niya.
Sa kabila ng insidente, nananatiling umaasa si Liza na mas paiigtingin pa ng mga awtoridad ang seguridad sa NAIA upang maprotektahan ang mga pasahero laban sa mga posibleng kaso ng pagnanakaw.

Read also
Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa
Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.
Kamakailan ay buong tapang na ibinahagi ni Ice ang tungkol sa 17 taon niyang pakikipaglaban sa depresyon. Aniya, matagal na niya itong dinaranas bagay na hindi pa niya lang alam noon kung ano ang tawag. Isa sa pinakamatinding epekto nito ay ang kasagsagan ng pandemya kung saan naisipan niyang bawiin ang sariling buhay. Laking pasalamat naman niya sa kanyang kaibigan at misis na malawak ang pang-unawa sa kanyang pinagdaanan.
Kinaaliwan kamakailan ang pag-post si Sylvia Sanchez ng video kung saan ginising niya si Ice na natutulog. Ito ay para umano palipatin si Ice sa bitbit niyang stroller na hiniram niya sa anak ni Smokey Manaloto. Matapos magising ay wala namang nagawa si Ice kundi sakyan na lang ang biro ni Sylvia. Ani Silvia, ang totoong pagkakaibigan ay asaran at walang pikunan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh