Kampo ni Vic Sotto naglabas ng pahayag: "We believe that Justice will soon be served"
- Nagpahayag ng pasasalamat ang kampo ni Vic Sotto matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Darryl Yap
- Nag-ugat ang kaso sa teaser ng Pepsi Paloma film kung saan malinaw na binanggit ang pangalan ni Sotto na nagdulot ng kontrobersya
- Nagsampa si Sotto ng 19 counts ng cyber libel laban kay Yap at hiniling ang writ of habeas data na pinaboran ng korte
- Bagama’t naglagak na ng piyansa si Yap, nananatiling umaasa ang kampo ni Sotto na makakamit ang hustisya sa tamang panahon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng pasasalamat ang kampo ng beteranong aktor at TV host na si Vic Sotto matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa direktor na si Darryl Yap kaugnay ng 19 counts ng cyber libel na isinampa ng aktor. Ayon sa kampo ni Sotto, indikasyon ito na nakita ng korte ang probable cause sa kaso, at umaasa silang makakamit na ang hustisya sa tamang panahon.

Source: Facebook
Nag-ugat ang kaso sa kontrobersyal na trailer ng Pepsi Paloma film na idinirek ni Yap. Sa naturang teaser, malinaw na binanggit ang pangalan ni Vic Sotto, na ikinagulat ng publiko dahil sa mabibigat na paratang na kaakibat nito. Dahil dito, agad na kumilos si Sotto at nagsampa ng reklamo laban kay Yap.
Noong Enero 7, 2025, hiniling ng kampo ni Sotto ang pag-isyu ng writ of habeas data upang ipatanggal o itama ang mga bahagi ng teaser na itinuring nilang “malicious and defamatory statements.” Pinaboran ito ng korte, dahilan upang obligahin si Yap na baguhin o alisin ang nasabing mga bahagi.
Nauna nang kinasuhan ng Office of the City Prosecutor si Yap ng cyber libel sa ilalim ng Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code, na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Nakasaad sa resolusyon na ang aktor ay na-expose sa “public contempt, hatred, dishonor, or ridicule, or causing the latter’s reputation to be tarnished.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagama’t agad na naglagak si Yap ng piyansang nagkakahalaga ng Php 20,000.00, dahilan upang bawiin ng RTC ang warrant, nananatili pa rin ang paniniwala ng kampo ni Sotto na mananaig ang hustisya.
Ayon sa kanilang pahayag, “Our justice system is working and we will continue to trust in the system. We believe that justice will soon be served. In the meantime, we cannot comment on the merits of the case. We respect the court and we trust that it will render a fair decision.”
Patuloy na umaasa si Vic Sotto at ang kanyang kampo na magiging patas ang desisyon ng korte sa kontrobersyal na kaso laban kay Darryl Yap.
Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.
Matatandaang mariing itinanggi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kasalukuyang sumasailalim sa review ang kontrobersyal na pelikulang "Pepsi Paloma" na idinirek ni Darryl.
Kamakailan ay binahagi ng direktor na si Darryl Yap ang isang larawan ni Cristine Reyes na tila nagbihis ala-Barbie Hsu, ang Taiwanese actress na gumanap bilang "Shan Cai" sa sikat na seryeng Meteor Garden. Sa caption ng kanyang post, inilagay niya ang salitang "Ni Yao De Ai", isang kantang ginamit sa naturang serye.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh