Nadine Lustre, umalma sa bastos na komento ng basher
- Umalma si Nadine Lustre sa isang bastos na komento mula sa basher na nagsabing sana ay magahasa siya ng adik
- Ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram Story ang komento at sinabing "One of the many that did not pass the vibe check"
- Binura ng basher ang kanyang komento at nilock ang kanyang Instagram account matapos itong mag-viral
- Maraming netizen ang nagpakita ng suporta kay Nadine at kinondena ang mapang-abusong pahayag ng basher
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling pinatunayan ng Kapamilya actress na si Nadine Lustre ang kanyang katatagan matapos niyang harapin ang isang bastos na komento mula sa isang basher.

Source: Instagram
Kamakailan ay nag-repost si Nadine ng isang larawan mula sa Reuters sa kanyang Instagram Story. Makikita sa larawan ang isang lalaki na may hawak na placard sa labas ng Scheveningen prison sa The Hague, Netherlands, kung saan kasalukuyang naka-detain ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. Nakasaad sa placard ang mga salitang "Collect them all" na ginawang Pokémon ang imahe ng mga pinuno na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), kabilang sina Duterte, dating Prime Minister ng Israel na si Benjamin Netanyahu, at Presidente ng Russia na si Vladimir Putin.
Hindi ito nagustuhan ng mga tagasuporta ng dating pangulo, dahilan upang makaranas ng pambabatikos si Nadine. Isang basher ang nagkomento sa kanyang Instagram post na, "Sana ma-r*pe ka ng adik."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaagad na ni-repost ni Nadine ang nasabing komento at sinamahan ng caption na, "One of the many that did not pass the vibe check."
Matapos mag-viral ang post ni Nadine, binura ng basher ang kanyang komento at agad na nilock ang kanyang Instagram account.
Marami sa mga netizen ang nagpakita ng suporta kay Nadine at kinondena ang hindi makataong pahayag ng basher. Ayon sa ilan, walang sinuman ang nararapat na makatanggap ng ganitong uri ng pang-aabuso online.
Si Nadine Lustre ay isang kilalang aktres, singer, dancer, at modela sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang miyembro ng all-girl group na Pop Girls, ngunit mas sumikat nang gumanap siya bilang Eya Rodriguez sa pelikulang "Diary ng Panget" noong 2014, kung saan nakatambal niya si James Reid. Dahil sa kanilang chemistry, nabuo ang tambalang JaDine, na naging isa sa pinakasikat na love team sa bansa.

Read also
Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko
Kamakailan ay ipinahayag nina Nadine Lustre at Christophe Bariou ang kanilang pagkadismaya sa plano ng Manila Zoo na gawing taxidermy exhibit ang labi ng elepanteng si Maali. Para sa magkasintahan, hindi nararapat gawing eksibit ang katawan ni Maali, na tinaguriang “world’s saddest elephant,” bilang paggalang sa kanyang naging buhay.
Samantala, sa isang panayam ay sinabi ni Nadine Lustre sa isang panayam na hindi siya pupunta sa kasal ng kanyang ex-boyfriend kahit maimbitahan siya Inihayag niya ito sa show na 'BRGY' nang tanungin siya ni MJ Felipe sa isang hypothetical na sitwasyon Idiniin niya na hindi na niya kailangang dumalo at binati na lamang ang mga posibleng ikakasal Pinuri ng fans ang kanyang pagiging prangka at ang respeto niya sa mga bagong kabanata ng buhay ng iba.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh