Annabelle, Rama, naniniwalang mahal pa nina Ruffa at Yilmaz ang isa't-isa
- Naniniwala si Annabelle Rama na may natitirang pagmamahal pa rin sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas
- Inamin ni Ruffa na nais siyang muling pakasalan ng dating asawa na si Yilmaz, ngunit inakala niyang nagbibiro lamang ito
- Pinayagan ni Ruffa na dalawin ng kanilang mga anak na sina Lorin at Venice ang kanilang ama noong 2022, matapos maghilom ang sugat ng kanilang nakaraan
- Kumbinsido si Annabelle na nag-mature na si Yilmaz at hindi na muling sasaktan si Ruffa, lalo na kung sa Europa sila maninirahan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naniniwala si Annabelle Rama, isang batikang personalidad sa showbiz, na may natitirang pagmamahal pa rin sina Ruffa Gutierrez at ang kanyang dating asawang si Yilmaz Bektas.

Source: Instagram
Naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Ruffa at Yilmaz. Dahil sa umano'y pang-aabuso na naranasan ni Ruffa mula kay Yilmaz, napilitan siyang lisanin ang kanilang tahanan sa Turkey at bumalik sa Pilipinas. Kalaunan, naghilom ang sugat at naging maayos na ang kanilang ugnayan. Noong 2022, pinayagan ni Ruffa na dalawin ng kanilang mga anak na sina Lorin at Venice ang kanilang ama.
Sa isang panayam, tinanong si Ruffa tungkol sa tawag na "boss" na ginagamit ngayon ni Yilmaz sa kanya. Ipinaliwanag ng aktres na siya ang "boss" ni Yilmaz. Ibinunyag din ni Ruffa na nais ni Yilmaz na mag-propose at muling pakasalan siya. Noong una, inakala niyang nagbibiro lamang si Yilmaz, ngunit seryoso pala ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa ulat ng entertainment writer na si Jun Lalin ng Abante, ibinahagi ni Annabelle Rama na alam na niya ang intensyon ni Yilmaz. Naniniwala si Annabelle na nagbago at nag-mature na si Yilmaz. Aniya, kung sa Europa sila maninirahan kasama sina Lorin at Venice, imposible nang saktan pa ni Yilmaz si Ruffa.
"Sabi ko kay Ruffa, nag-mature na si Yilmaz at sa Europe naman sila pupunta at kasama pa sina Lorin at Venice kaya imposible namang saktan pa siya," ani Annabelle.
Dagdag pa ni Annabelle, naniniwala siya na may natitirang pagmamahal pa rin sina Ruffa at Yilmaz para sa isa’t isa.

Read also
Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom
"Saka naniniwala ako na mahal pa nila talaga ang isa’t isa," aniya.
Nang tanungin tungkol sa kagustuhan ni Yilmaz na muling pakasalan si Ruffa, sinabi ni Annabelle na wala siyang violent reaction dito. Ipinapaubaya na lamang niya ang desisyon sa kanyang anak, ngunit iginiit niyang mahal pa rin ng dalawa ang isa’t isa.
Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, beauty queen, at TV host. Siya ay kinoronahang Binibining Pilipinas World 1993 at naging second runner-up sa Miss World 1993. Kilala rin siya sa showbiz bilang bahagi ng pamilyang Gutierrez, kung saan ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Bukod sa pagiging aktres, naging host din siya ng iba’t ibang talk shows at reality programs sa telebisyon.
Siya rin ay dating maybahay ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, at sila ay may dalawang anak na babae, sina Lorraine at Venice Bektas.
Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya.
Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh