Karylle, ibinuking Nonoy Zuñiga: "Isa siyang DDS, isa siyang dentista"

Karylle, ibinuking Nonoy Zuñiga: "Isa siyang DDS, isa siyang dentista"

- Ibuking ni Karylle na DDS o "dentista" si Nonoy Zuñiga sa "TNT Grand Resbak 2025" ng "It's Showtime"

- Nilinaw ni Nonoy na hindi siya DDS kundi isang MD o Doctor of Medicine

- Agad na nag-sorry si Karylle at sinabing maling impormasyon ang naibigay sa kaniya ng kanyang ama

- Hindi naman na-offend si Nonoy Zuñiga at nagpatuloy sa pagbibigay ng komento sa resbaker

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng "It's Showtime" host na si Karylle patungkol sa isa sa mga OPM icon at hurado ng "TNT Grand Resbak 2025" na si Nonoy Zuñiga. Ito ay matapos ibuking ni Karylle na isa umanong "DDS" si Nonoy.

Karylle, ibinuking Nonoy Zuñiga: "Isa siyang DDS, isa siyang dentista"
Karylle, ibinuking Nonoy Zuñiga: "Isa siyang DDS, isa siyang dentista" (📷@anakarylle/IG)
Source: Instagram

Ngunit ang tinutukoy ni Karylle na DDS ay "dentista" at hindi "Diehard Duterte Supporters."

"Ang maghuhurado sa 'yo, isa siyang DDS, isa siyang dentista, Dr. Nonoy Zuñiga!" ani Karylle.

Agad namang natawa sina Jhong Hilario at iba pang hosts na kasalukuyang nag-iinterview sa Grand Resbaker.

Read also

Sofia Andres, sumagot sa komento ng netizen:"Who said I’m not married?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Di ba, Tito? Baka hindi nila alam, Tito Nonoy, 'di ba you're a dentist?" dagdag pa ni Karylle.

Mariin naman itong itinanggi ni Nonoy at sinabing, "No, I'm not. I've finished medicine."

Dahil dito, nagtanong si Vice Ganda, "Ano ba 'yong DDS?"

Sagot ni Karylle, "Ano kasi 'yon, Doctor of Dental Science."

Sa puntong iyon, natatawang sumingit si Vice Ganda, "Iklaro kasi natin."

Nilinaw naman ni Nonoy na hindi siya DDS kundi MD o Doctor of Medicine. Dahil dito, agad namang nag-sorry si Karylle at sinabing mali raw ang nasabi sa kaniya ng kaniyang ama.

Sa kabila ng insidente, hindi naman na-offend si Nonoy at nagpatuloy na lamang sa pagbibigay ng komento sa mga kalahok ng Grand Resbak.

Si Karylle o Ana Karylle Padilla Tatlonghari-Yuzon sa totoong buhay ay isang kilalang singer, actress, host, at songwriter sa Pilipinas. Anak siya ng aktres na si Zsa Zsa Padilla at ng yumaong actor na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Read also

Ruffa Gutierrez, sinabing muling nag-propose sa kanya ang dating asawa na si Yilmaz Bektas

Bukod sa pagiging mahusay na mang-aawit, kilala rin si Karylle bilang isa sa mga hosts ng noontime show na "It's Showtime." Siya rin ay may asawa na, si Yael Yuzon, na vocalist ng bandang Sponge Cola.

Si Karylle ay hinahangaan sa kanyang versatility sa industriya ng showbiz, mula sa pag-arte sa pelikula at telebisyon hanggang sa pag-perform sa mga musical plays.

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate