Baron Geisler, nanindigan sa nilabas na pahayag: "The truth will come out very, very soon"

Baron Geisler, nanindigan sa nilabas na pahayag: "The truth will come out very, very soon"

- Dumalo sa story conference ng kanyang bagong horror film si Baron Geisler

- Aniya, maayos siya at dagdag pa niya ay huwag paniwalaan ang mga lumabas na kasinunalingan

- Naapektuhan daw ang family niya kaya hindi siya papayag na gawin sa kahit kanino ang ginawa sa kanya dahil maling-mali talaga ang lahat ng lumalabas sa ngayon kaya kailangan niya ng hustisya

- Nagpapasalamat naman si Baron sa lahat ng kanyang mga supporters

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap, dumalo si Baron Geisler sa story conference ng kanyang bagong horror film at iginiit na maayos ang kanyang kalagayan. Sa panayam ni MJ Marfori, mariin niyang pinabulaanan ang mga lumalabas na alegasyon laban sa kanya at hinikayat ang publiko na huwag basta maniwala sa mga maling impormasyon.

Baron Geisler, nanindigan sa nilabas na pahayag: "The truth will come out very, very soon"
Baron Geisler, nanindigan sa nilabas na pahayag: "The truth will come out very, very soon" (📷Baron Geisler/Facebook)
Source: Instagram

Aminado si Baron na naapektuhan ang kanyang pamilya sa kontrobersiyang ito at hindi niya kayang palampasin ang aniya’y kawalang-katarungan. "Maling-mali talaga ang lahat ng lumalabas sa ngayon, kaya kailangan ko ng hustisya," diin niya. Dagdag pa niya, hindi niya gugustuhing maranasan ito ng kahit sino, kaya’t patuloy siyang lalaban upang mailabas ang katotohanan.

Read also

Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show

Sa kabila ng pagsubok, nagpapasalamat si Baron sa kanyang mga tagasuporta na nananatiling kampante sa kanyang pagkatao. "The truth will come out naman very, very soon," aniya, habang patuloy siyang nagpo-focus sa kanyang mga proyekto sa industriya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa nauna niyang Facebook post, sinabi ni Baron na maraming maling impormasyon ang lumalabas, lalo na mula sa ilang news outlets na hindi umano nag-verify ng tamang detalye bago mag-ulat. "Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion," aniya. Dagdag pa niya, "I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly."

Sa kabila ng pagsubok, pinasalamatan ni Baron ang mga nananatili sa kanyang panig. "To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything," saad niya. Naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan sa tamang panahon habang patuloy siyang nagpo-focus sa kanyang karera.

Si Baron Geisler ay isang Filipino actor na kilala sa kanyang husay sa pagganap sa pelikula at telebisyon. Una siyang nakilala noong 90s bilang child star sa ABS-CBN at kalaunan ay naging isa sa mga respetadong character actors sa bansa.

Read also

Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan

Bukod sa kanyang acting career, naging kontrobersyal din siya dahil sa kanyang personal na buhay at ilang isyu sa industriya. Gayunpaman, sa kabila ng mga pagsubok, patuloy siyang bumabangon at nagpapatuloy sa kanyang trabaho sa showbiz.

Matatandaang napaamin ni Ogie Diaz si Baron Geisler patungkol sa isa pa nitong anak na babae. Ito umano ang dahilan bakit siya naka.relate sa karakter niyang si Rustin sa Doll House. Nakilala na rin umano ito ng kanyang misis na si Jamie na siyang nagpaalala pa ng mga dapat niyang gawin sa unang pagkikita nila. Kwento pa ni Baron, masaya siyang maayos na napalaki ang kanyang anak ng Mama at Papa nito.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa nilinaw ni Baron Geisler ay ang umano'y naging isyu noon sa Senior High. Inamin niyang isang direktor ang diretsang nagtanong sa kanya patungkol sa alak. Subalit wala umano siyang naka-engkwentro sa nasabing serye. Matatandaang napahinga ang karakter ni Baron sa Senior High upang magbigay daan sa shooting ng isang pelikula.

Read also

Carlos Agassi, aminadong, na-depress sa tinanggap na pambabatikos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate