Misis ni Freddie Aguilar, bumwelta sa netizen na may malisyosong komento
Hindi pinalampas ni Jovie Gatdula Albao, misis ng beteranong musikero na si Freddie Aguilar, ang isang netizen na nagbigay ng malisyosong komento sa kanilang larawan.
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa nasabing komento, pinahiwatig ng netizen na hinihintay na lamang ni Jovie na pumanaw ang kanyang asawa, dahil sa malaking agwat ng kanilang edad. Kapansin-pansin pa na ang profile picture ng naturang netizen ay itim at may nakasinding kandila, na kadalasang sumisimbolo ng pagluluksa.
![Misis ni Freddie Aguilar, bumwelta sa netizen na may malisyosong komento Misis ni Freddie Aguilar, bumwelta sa netizen na may malisyosong komento](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/a6feae6b16945c74.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Agad namang sinagot ni Jovie ang nasabing komento at sinabing:
"Mas nauna ka pa tuloy mamatayan. Di mo unahin magluksa. Hays."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin niya ang screenshot ng mensahe ng netizen at ang kanyang saloobin sa Facebook:
"Nagva-viral na naman tong post ni Freddie 3 years ago. Kaya pala dami na namang new followers. Nakiki-tsismis sa buhay ko. Diyosko kayo! HAHAHAHA. Pag katulad kayo ni Arvy, dapat alam nyo priority nyo ha. Buhay nyo muna bago buhay ng iba. Hays!"
Dagdag pa ni Jovie, humingi na ng dispensa ang nasabing netizen ngunit kalaunan ay binura rin ang kanyang paumanhin.
Matatandaang taong 2013 nang ikasal si Freddie Aguilar kay Jovie sa isang Muslim wedding sa Buluan, Maguindanao. Umani ito ng matinding kontrobersiya dahil 16 taong gulang pa lamang si Jovie noong panahong iyon, habang si Freddie ay 60 taong gulang na.
Sa isang panayam noon, ipinahayag ni Jovie ang kanyang kasiyahan sa kanilang desisyon:
"Siyempre masaya ako, kasi hindi naman nabubuhay para sa ibang tao. Nabubuhay kami para sa sarili namin. 'Yung ginagawa namin dahil gusto namin 'to, mahal namin ang isa't-isa at pinapatunayan lang namin ang pagmamahal namin."
Samantala, noon pa man ay nanawagan si Freddie sa publiko na itigil na ang paninira sa kanilang relasyon:
"Sana tumigil na 'yung mga detractors namin. Kasi kaya nga kami nagpakasal kasi ayaw ngang tumigil 'yung mga paninira sa aming dalawa. So naisipan naming dalawa na kung magpapakasal na kami ay titigil na lahat, hindi na nila iisipin na kasalanan 'yung ginagawa namin."
Sa kabila ng mga negatibong komento, nananatiling matatag ang pagsasama nina Freddie at Jovie, patunay na hindi hadlang ang edad sa tunay na pagmamahal.
Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.
Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko. Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.
Matatandaang isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Ka Freddie sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama. Nagbalik-tanaw ang asawa ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung kailan niya sinagot si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin nito. Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh