Jellie Aw, may post sa Instagram stories kasama si Jam Ignacio bago ang insidente

Jellie Aw, may post sa Instagram stories kasama si Jam Ignacio bago ang insidente

  • Ibinahagi ni Jellie Aw sa kanyang Instagram story ang huling sandali bago umano siya saktan ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio
  • Makikita sa video na nagpapalinis siya ng kuko habang naghihintay si Jam Ignacio sa tabi niya
  • Ilang sandali matapos nito, nag-post si Jellie ng larawan ng kanyang duguang mukha at sinabing magkikita sila sa kulungan
  • Nagpahayag siya ng matinding galit at determinasyong sampahan ng kaso ang kanyang fiancé dahil sa insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Gumimbal ang social media sa naging rebelasyon ng DJ at content creator na si Jellie Aw matapos niyang ibahagi ang mga larawan ng kanyang mukha na may pasa at dugo. Sa kanyang mga post sa Instagram at Facebook, direkta niyang itinuro ang fiancé niyang si Jam Ignacio bilang may kagagawan ng umano’y pananakit sa kanya.

Jellie Aw, may post sa Instagram stories kasama si Jam Ignacio bago ang insidente
Jellie Aw, may post sa Instagram stories kasama si Jam Ignacio bago ang insidente (PHOTO: @realjellieaw/Instagram)
Source: Instagram

Bago ang insidente, nag\bahagi si Jellie ng IG story kung saan makikitang nagpapalinis siya ng kuko. Sa naturang video, makikita si Jam Ignacio na tila naghihintay lamang sa tabi niya. May caption ito na, "@jamignacio inip ka na? Ate Carla, pabilis daw," na tila nagpapahiwatig ng normal na sitwasyon bago ang nangyaring insidente.

Read also

Whamos Cruz, pumalag sa bashers; pumayag magpa DNA test kasama ang anak

Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali, nagbago ang tono ng kanyang mga post. Sa kanyang Facebook, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang duguang mukha at nilagyan ng caption na, "Magkita tayo sa kulungan," na may pag-tag kay Jam Ignacio. Ang kanyang kapatid na si Jo Aw ay nagbahagi rin ng post na nagkukumpirma sa insidente at nagsabing handa nilang ipaglaban ang hustisya para kay Jellie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang noong Nobyembre 11, 2024, masayang inanunsyo nina Jellie at Jam ang kanilang engagement. Sa isang post noon, ibinahagi ni Jellie ang kanyang labis na kasiyahan sa sorpresang proposal ni Jam sa kanyang kaarawan. Subalit sa kabila ng matamis na alaala, ngayon ay nauwi sa madilim na yugto ang kanilang relasyon.

Matapos ang insidente, agad na nagtungo si Jellie sa ospital upang ipagamot ang tinamong pinsala. Kasunod nito, nakatakda rin siyang maghain ng pormal na reklamo sa pulisya.

Sa kanyang huling post, mariin niyang ipinahayag ang kanyang galit at hinanakit kay Jam. Aniya, "HAPPY VALENTINES? (Explicit word) Jam Ignacio, mapapatay mo 'ko! Wala akong ginawang masama para ganituhin mo 'ko! Halos mamatay ako sa ginawa mo! Papalukong kita!"

Read also

Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu

Ayon sa batas ng Pilipinas, ang pananakit sa kababaihan ay may mabigat na kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Maaaring maharap sa kasong serious physical injuries, attempted h0micide, o kahit h0micide ang sinumang lalaking mananakit sa isang babae, lalo na kung ito ay magdudulot ng matinding pinsala o kamatayan.

Patuloy na inaabangan ng publiko ang magiging hakbang ni Jellie Aw at kung anong legal na aksyon ang kanyang isasampa laban kay Jam Ignacio.

Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.

May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.

Read also

Driver ni Ivana Alawi, naiyak dahil sa intense na prank ng amo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate