Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay
- Kinumpirma ni Boobay na hindi scripted ang naging bardagulan nila ni Karen delos Reyes sa programang “Extra Challenge” ng GMA 7
- Sinadya niyang maliin ang apelyido ni Karen bilang bahagi ng biro ngunit nauwi ito sa totoong sagutan nila sa harap ng kamera
- Napikon si Karen at pasigaw niyang itinama ang kanyang apelyido kaya kinailangan pang umawat nina Marian Rivera at ilang staff ng programa
- Nilinaw ni Boobay na matapos ang insidente ay maayos na ang kanilang samahan at magkaibigan na silang dalawa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang matinding bardagulan sa pagitan ng Kapuso comedian-host na si Boobay at aktres na si Karen delos Reyes sa dating reality show ng GMA 7 na "Extra Challenge." Ayon sa kumpirmasyon ni Boobay mismo, hindi ito scripted, taliwas sa haka-haka ng ilang netizens.
![Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/0c80e6b9d550ab01.jpeg?v=1)
Source: Youtube
Ang nasabing insidente ay nangyari noong 2012 nang maging co-host si Boobay ng kanyang matalik na kaibigang si Marian Rivera sa programa. Sa isang segment ng show, sinadya umano ni Boobay na maliin ang apelyido ni Karen sa pamamagitan ng pagtawag dito bilang "Karen delos Santos" imbes na "Karen delos Reyes." Ang biro ay may kaugnayan sa sumikat na fast food commercial ng aktres kung saan tinatawag siya ng kanyang lolo na "Gina" sa halip na "Karen."
Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda," ibinahagi ni Boobay na hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ni Karen. "Yes po Tito Boy, na hindi ko rin ini-expect," aniya. Inakala umano niyang mahihinahon lamang na itatama ni Karen ang kanyang pagkakamali, ngunit sa halip, nagalit ito at pasigaw na kinorek ang kanyang apelyido.
Dahil sa tensyon, umabot sa puntong nagmukhang magpipisikalan na ang dalawa, dahilan upang umawat si Marian Rivera at ilang staff ng programa. "‘Yun ang first break ko rin, sabi ko ‘Ay hindi ako papayag. Lalaban ako,'" pagbabalik-tanaw ni Boobay sa nangyaring sagutan nila ni Karen.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagaman matindi ang bardagulan sa naturang episode, nilinaw ni Boobay na maayos na ang kanilang samahan ngayon. "Okay na kami, we’re good friends," pahayag pa ng komedyante.
Samantala, patuloy na nagiging patok ang video ng kanilang sagutan sa TikTok at Facebook, kung saan maraming netizens ang muling bumabalik sa iconic na eksenang ito ng "Extra Challenge."
Si Boobay ay isang Filipino comedian, TV host, at aktor na kilala sa kanyang pagiging mahusay sa pagpapatawa at impersonation. Ang kanyang tunay na pangalan ay Norman Balbuena, at nagsimula siya sa industriya ng showbiz bilang bahagi ng stand-up comedy scene bago tuluyang sumikat sa telebisyon. Naging bahagi siya ng ilang Kapuso shows, kabilang ang “Extra Challenge”, “Celebrity Bluff”, at “The Boobay and Tekla Show” kasama si Super Tekla.
Hinimatay umano ang komedyanteng si Boobay habang nagho-host ng isang show sa Aparri. Nakunan umano ng video ang naturang insidente dahil sa naka-livestream ang palabas. Matapos ang pangyayari, muling bumalik si Boobay sa stage nang magkaroon muli siya ng malay.
Naglabas ng pahayag si Boobay sa pamamagitan ng The Boobay and Tekla Show Facebook page kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang kalagayan. Sa video, ipinaalam niya sa kanyang mga tagahanga na ang pagkahimatay niya ay dulot lamang ng malakas na ilaw sa stage.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh