Boobay, umano'y hinimatay habang nagho-host; bumalik sa stage nang magkamalay

Boobay, umano'y hinimatay habang nagho-host; bumalik sa stage nang magkamalay

- Hinimatay umano ang komedyanteng si Boobay habang nagho-host ng isang show sa Aparri

- Nakunan umano ng video ang naturang insidente dahil sa naka-livestream ang palabas

- Matapos ang pangyayari, muling bumalik si Boobay sa stage nang magkaroon muli siya ng malay

- Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na may kakaibang nangyari kay Boobay kahit siya ay nasa isang live show

Umano'y nawalan ng malay si Boobay habang nagho-host ng show sa town fiesta ng Aparri, gabi ng May 7.|

Boobay (@boobay7)
Boobay (@boobay7)
Source: Facebook

Sa ulat ng GMA News Online, kasalukuyan noong nasa entablado si Boobay nang bigla na lamang itong natumba.

Sa Facebook page ni Vice Mayor Rene Chan nakatutok ang camera sa kasamang komedyante ni Boobay na si Pepita na siyang nagpe-perform.

Nang bigla itong huminto para lapitan si Boobay na noo'y natumba na. Agad na ring lumapit ang iba pang staff na naroon para alalayan ang komedyante.

Read also

Tito Vince nagpost matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler na hiwalay na sila: "Que sera sera"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Naano lang po siya, na-out of balance," ang nasabi ni Pepita upang hindi na rin mag-alala ang mga nanonood.

Gayunpaman, nang magkamalay, bumalik pa muli si Boobay sa entablado upang ituloy ang kanilang palabas.

Samantala, matapos ang kanilang show, siniguro naman ni Pepita na maayos na ang kalagayan ni Boobay na nagpapahinga sa tinutuluyan nilang hotel.

Narito ang video na naibahagi rin ng 102.7 Star FM Facebook:

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. Naging regular host din siya ng programang, “Celebrity Bluff” gayundin ng programa nila ni Super Tekla ang "The Boobay and Tekla Show".

Matatandaang sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" nakita rin kung paano siya tila nablangko at wala nang nasabi sa kalagitnaan ng panayam. Paliwanag ni Boobay, lifetime na umano ang nangyayaring seizure sa kanya. Kaugnay nito, mayroon na siyang medikasyon para rito upang hindi dumalas ang mga pangyayaring ito.

Read also

Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"

Sa naturang panayam din sa kanya ni Ogie Diaz, emosyonal niyang naibahagi kung paano naging daan si Marian Rivera upang magbalik-loob siya sa Diyos. Aminado kasi si Boobay na sa dami ng kanyang pagsubok na pinagdaraanan, minsan na niyang nakuwesiyon ang Panginoon kung bakit tila sunod-sunod itong nangyayari sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel