Alodia Gosiengfiao, umalma sa gumamit ng video niya sa pag-promote ng sugal

Alodia Gosiengfiao, umalma sa gumamit ng video niya sa pag-promote ng sugal

  • Pinabulaanan ni Alodia Gosiengfiao ang pagkakadawit niya bilang endorser ng isang online sugal matapos kumalat ang isang video na ginamit nang walang pahintulot
  • Ginamit sa video ang isang clip niya habang sumasayaw at nilapatan ng mensaheng nagpapakita na tila siya ay nagpo-promote ng larong "Color Game"
  • Nilinaw niya sa isang Facebook post na hindi siya kailanman magpo-promote o magiging kaanib ng anumang online sugal at hinimok ang publiko na i-report ang naturang video
  • Nagpahayag ng suporta ang mga netizen kay Alodia at sinabing hindi sila naniniwalang may kaugnayan siya sa anumang uri ng online sugal

Pinabulaanan ng kilalang cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao ang kumakalat na balitang siya umano ay endorser ng isang online sugal. Ito ay matapos mag-viral ang isang video kung saan makikita siyang sumasayaw na may kasamang promotional text para sa larong "Color Game."

Alodia Gosiengfiao, umalma sa gumamit ng video niya sa pag-promote ng sugal
Alodia Gosiengfiao, umalma sa gumamit ng video niya sa pag-promote ng sugal (PHOTO: Alodia Gosiengfiao/Facebook)
Source: Instagram

Sa naturang video, makikita ang isang clip ni Alodia habang sumasayaw, kalakip ang mensaheng: "Dahil sa laro ni Color Game, nabago buhay namin." Dahil dito, maraming netizen ang nag-akala na siya ay opisyal na nagpo-promote ng naturang sugal.

Read also

Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu

Ngunit agad itong pinasinungalingan ni Alodia sa isang Facebook post. Ani niya, ginamit lamang ang kanyang video nang walang pahintulot.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"No, they used my video without asking/consent," paglilinaw niya.

Dagdag pa niya, hindi siya kailanman magpo-promote o makikibahagi sa anumang may kinalaman sa sugal. Hinimok din niya ang publiko na i-report ang mga kahina-hinalang video na tulad nito.

"If you see any videos similar to this, please help us report. I want to clarify that I am not promoting, nor will I ever promote or be affiliated with any g*mbling entity. Thank you to everyone who gave us a heads up," ani Alodia.

Samantala, maraming netizen ang nagpahayag ng suporta sa cosplayer at sinabing hindi sila naniniwalang may kaugnayan ito sa anumang uri ng online sugal.

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company. gayunpaman, kamakailan ay naglabas siya ng pahayag tungkol sa kanyang pag-alis sa Tier 1.

Read also

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan. Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito. Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher. Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate