Darryl Yap, naglabas ng pahayag kasunod ng paglilinaw ng MTRCB
- Naglabas ng pahayag si Darryl Yap kaugnay sa paghingi ng karagdagang requirements para sa kanyang pelikula ng MTRCB
- Sinabi niyang hindi ito hiniling sa 16 niyang naunang pelikula kaya’t nagtataka siya sa bagong proseso
- Ipinahayag niyang wala na silang pondo kung hindi maipalalabas ang pelikula sa Pebrero 5
- Iginiit niyang bahagi siya ng industriya ng sining at may karapatan siyang iparebyu ang kanyang pelikula
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng saloobin ang direktor na si Darryl Yap hinggil sa umano'y dagdag na requirements na hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa kanyang bagong pelikula.
Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Yap na ang distributor ng kanyang pelikula ang nagdala ng materyales sa MTRCB para sa pagsusuri. Aniya, nakatanggap siya ng kumpirmasyon na tinanggap ang kanyang pelikula, ngunit makalipas ang ilang oras, nalaman niyang may meeting umano para sa legal na usapin.
“Nandun naman ang pelikula ko—hindi ko alam kung napanood nila o hindi—o sige, kunwari di pa nila napanood, nandun na eh,” ani Yap.
Dagdag pa niya, wala siyang intensyon na pangunahan ang proseso ng MTRCB, ngunit hindi umano siya naging aware sa mga hinihinging dagdag na dokumento, na aniya’y hindi naman hiniling sa 16 na nauna niyang pelikula.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila nito, iginagalang pa rin umano niya ang ahensya, ngunit hiniling niya na huwag siyang gawing sinungaling sa maliit na detalye.
"Wala na kaming pondo para sa mga susunod na hakbang kung di kami maipapalabas sa Feb. 5," pagbubunyag ni Yap, na tila nagpapahiwatig ng pangamba sa posibleng hindi pagpapalabas ng kanyang pelikula sa takdang petsa.
Sa huli, iginiit ng direktor na bahagi siya ng industriya ng sining at hindi dapat kuwestyunin ang kanyang karapatan bilang isang Pilipinong filmmaker.
Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.
Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”
Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh