Pauleen Luna, napahagulgol daw sa witness stand ayon kay Cristy Fermin

Pauleen Luna, napahagulgol daw sa witness stand ayon kay Cristy Fermin

- Nabahagi ni Cristy Fermin sa programa niyang 'Showbiz Now Na' ang ilang detalye kaugnay sa sinampang kaso ni Vic Sotto kay Darryl Yap

- Matatandaang kamakailan ay nagkaharap na ang magkabilang kaso ngunit walang masyadong nailabas na detalye tungkol dito

- Ayon kay Cristy Fermin, nakarating sa kanya na napahagulgol ang misis ni Vic na si Pauleen nang sumalang ito sa witness stand

- Matatandaang na-deny ang request ni Darryl Yap pata ma-consolidate dalawang kasong sinampa sa kanya ni Vic

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang programa na “Showbiz Now Na” ang ilang detalye kaugnay sa sinampang kaso ng komedyanteng si Vic Sotto laban kay Darryl Yap. Ayon sa kanya, nakarating ang balita na ang misis ni Vic na si Pauleen Luna ay napahagulgol sa witness stand nang tumestigo ito.

Pauleen Luna, napahagulgol daw sa witness stand ayon kay Cristy Fermin
Pauleen Luna, napahagulgol daw sa witness stand ayon kay Cristy Fermin (@pauleenlunasotto/Instagram)
Source: Instagram

Matatandaang nagkaroon ng harapan kamakailan ang magkabilang kampo sa kasong isinampa ni Vic laban kay Darryl kaugnay ng kontrobersyal na teaser ng pelikulang “TROPP,” na may kaugnayan umano sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma. Sa kabila ng pagdinig, kaunti lamang ang nailalabas na impormasyon mula sa kanilang paghaharap sa korte.

Read also

Pamangkin ni Charito Solis, nagsalita tungkol sa pagkakakaladkad ng pangalan ng tita niya

Nabanggit din ni Cristy na na-deny ng Muntinlupa court ang hiling ni Darryl Yap na pagsamahin ang dalawang kasong isinampa ni Vic.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate