Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap

Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap

  • Sinabi ni Vic Sotto na walang sinuman mula sa produksiyon ng pelikulang TROPP ang kumonsulta o nagpaalam sa kanya tungkol sa proyekto
  • Nilinaw ni Vic na wala siyang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula at tinawag niya itong "trabaho lang"
  • Inihain ni Vic ang 19 na kaso ng cyber libel laban kay Darryl Yap matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa teaser ng pelikula
  • Umaasa si Vic sa suporta ng kanyang pamilya at sinabing kayang-kaya niyang harapin ang isyung ito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ni Vic Sotto na hindi siya nakatanggap ng mensahe o konsultasyon mula sa sinuman sa produksiyon ng pelikulang TROPP ni Darryl Yap. Aniya, walang nagpaalam o humingi ng kanyang pahintulot ukol sa kontrobersiyal na proyekto.

Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap
Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap (ABS-CBN News/YouTube)
Source: Youtube

Sa kabila nito, nilinaw ni Vic na wala siyang sama ng loob sa mga artistang pumayag lumabas sa pelikula. “Trabaho lang 'yun. No problem,” simpleng tugon niya.

Ilan sa mga tampok na bituin sa pelikula ay sina Gina Alajar, Shamaine Buencamino, Mon Confiado, at Rosanna Roces, habang ginagampanan naman ni Rhed Bustamante ang papel ni Pepsi Paloma.

Read also

Charo Santos, kinaaliwan sa kanyang binahaging BTS ng eksena nya sa Batang Quiapo

Samantala, inihain na ni Vic ang 19 na kaso ng cyber libel laban kay Darryl Yap kaugnay ng teaser ng pelikula na direktang binanggit ang kanyang pangalan. Sa kabila ng isyung ito, nananatiling pribado si Vic at umaasa sa suporta ng kanyang pamilya sa laban na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vic Sotto ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, TV host, at producer. Siya ay ipinanganak noong Abril 28, 1954, at bahagi ng sikat na trio na Tito, Vic, and Joey na nagpasikat ng mga comedy films at TV shows sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pangunahing host ng noontime show na Eat Bulaga, na isa sa pinakamatagal nang tumatakbong programa sa telebisyon sa bansa.

Matapos ang pagsasampa ng reklamo ni Vic Sotto laban sa kontrobersyal na pelikulang TROPP, nag-post ang direktor na si Darryl Yap sa social media upang ipahayag ang kanyang panig. Sa kanyang post, binigyang-diin niya ang karapatan ng bawat isa na maghabla para sa paglilinaw ng katotohanan.

Nagsampa si Vic Sotto ng 19 na kaso ng cyber libel laban sa direktor na si Darryl Yap noong Enero 9 sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205. Ayon sa legal counsel ni Sotto na si Atty. Buko Dela Cruz, ang desisyon ay dulot ng mapanirang teaser video na nagdulot ng masamang epekto sa kanyang pamilya, lalo na sa anak niyang si Talitha Maria Luna Sotto.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate