Kaibigan ni Kris Aquino, nilinaw ang fake news tungkol sa kalagayan ng aktres
- Nilinaw ni Dindo Balares ang maling balitang kumakalat tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino
- Sinabi niyang patuloy ang gamutan at pagpapalakas ng aktres ayon sa kanilang huling pag-uusap
- Hinikayat niya ang publiko na huwag maniwala sa impormasyon na hindi mula sa pamilya o mapagkakatiwalaang source
- Ipinahayag niya ang pasasalamat kay Kris sa patuloy na pagpapakita ng malasakit sa kabila ng kanyang pinagdadaanan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nilinaw ni Dindo Balares, matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kumakalat na maling balita tungkol sa umano'y pagpanaw ng aktres. Sa kanyang ibinahaging kuwento, sinabi niyang katatapos lamang nilang magkumustahan ni Kris noong Linggo nang makatanggap siya ng mensahe mula sa isang publicist na nagtatanong tungkol sa balita.
"Kuya, totoo po ba? Sana naman hindi," saad ng mensahe sa kanya. Agad niya itong sinagot ng, "Kausap ko lang siya an hour ago." Sa pag-uusap nilang iyon, sinabi rin ni Balares na patuloy ang pagpapagaling ni Kris at malaking tulong ang panalangin para sa kanya.
Sa kabila ng mahirap na pinagdadaanan ni Kris, nananatili siyang masigasig at positibo. Ayon kay Balares, madalas nilang pag-usapan ang pagkain, tulad ng Japanese sweet potato at ang farming ventures nito. Nagpakita rin umano ng malasakit si Kris sa pagbibigay ng suporta sa pagsasaka ni Balares, ngunit maayos itong tinanggihan ng kaibigan, na mas pinahahalagahan ang paggaling ng aktres.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa ni Balares, "Huwag po tayong maniwala agad sa mga maling balita hangga't hindi ito nanggagaling sa pamilya ni Kris o mga mapagkakatiwalaang source." Pinaalalahanan niya ang mga tagahanga ng aktres na magdoble-ingat sa mga kumakalat na fake news at misinformation.
Sa kabila ng kanyang sitwasyon, nananatiling inspirasyon si Kris Aquino, hindi lamang sa kanyang mga tagahanga kundi pati na rin sa mga taong nagmamahal sa kanya.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh