Boboy Garrovillo, napilitang sumagot tungkol sa video scandal ni Jim Paredes
- Napilitang sagutin ni Boboy Garrovillo ang kontrobersyal na tanong tungkol sa video scandal ni Jim Paredes sa segment na “Kitchen-terrogate” ng “Lutong Bahay”
- Nagbigay si Boboy ng clue na ang artistang ayaw na niyang makatrabaho ay may initial na “W”
- Ibinahagi ni Boboy ang mensahe ng pagmamahal at pangungulila sa yumaong kasamahan sa APO Hiking Society na si Danny Javier
- Inilahad ni Boboy ang hirap ng pagtutuloy ng mga konsiyerto nang wala si Danny at ang prinsipyo nilang palaging magtanghal bilang trio
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napilitang sagutin ng OPM icon at aktor na si Boboy Garrovillo ang ilang kontrobersyal na tanong sa kanyang guesting sa cooking talk show na “Lutong Bahay” na pinangungunahan ni Mikee Quintos sa GTV. Kasama si Boboy sa iconic singing trio na APO Hiking Society, kung saan kabilang ang kanyang kaibigang si Jim Paredes at ang yumaong si Danny Javier.
Sa segment na “Kitchen-terrogate,” isa sa mga naitanong kay Boboy ay kung nagalit ba siya sa kanyang kaibigan na si Jim Paredes kaugnay ng video scandal nito noong nakaraan. Bagama’t ayaw niya sanang sagutin ang tanong, napilitang magbigay ng sagot si Boboy upang hindi kainin ang maasim na secret food. “Sige. Nagalit ako. Wala na ha!” ang pabirong sagot ng beteranong mang-aawit.
Natanong din si Boboy kung sino sa mga artistang nakatrabaho na niya ang ayaw na niyang makasama muli. Bagama’t ayaw niyang banggitin ang pangalan, nagbigay siya ng clue na ang artistang tinutukoy ay may initial na “W.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang APO Hiking Society ay isang iconic na grupo ng mang-aawit sa Pilipinas na binubuo nina Jim Paredes, Boboy Garrovillo, at ang yumaong si Danny Javier. Itinatag noong dekada '70, ang grupo ay kilala sa kanilang mga makabuluhan at malalapit sa puso ng masa na mga awitin tulad ng "Batang-Bata Ka Pa," "Panalangin," "Ewan," at "Awit ng Barkada."
Sa isang Instagram post, inamin ni Jolina Magdangal na sobrang kinabahan siya habang inaawit ang kanta ng legendary group na APO Hiking Society.
Naging makasaysayan ang pagdiriwang ng ika-450 anibersaryo ng Pasig City matapos magtagpo ang dalawang iconic na grupo sa mundo ng musika at telebisyon—ang TVJ at ang APO Hiking Society.
Source: KAMI.com.gh