Zia Dantes, Kinilala Bilang 'Aliw Breakthrough Child Performer of the Year'
- Ginawaran si Zia Dantes ng parangal bilang “Aliw Breakthrough Child Performer of the Year” sa 37th Aliw Awards
- Kinilala ang kanyang performance ng kantang “Rise Up” sa “Be the Guest” concert
- Lubos siyang pinasalamatan ni Zia ang kanyang voice instructor at mga magulang sa kanyang acceptance speech
- Kasabay ng tagumpay ni Zia, nagwagi rin ng mga parangal sina Julie Anne San Jose, Lea Salonga, at Stell ng SB19 sa parehong event
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bagong milestone ang naabot ng panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes matapos tanghalin si Zia Dantes bilang “Aliw Breakthrough Child Performer of the Year” sa 37th Aliw Awards noong December 18.
Nakamit ni Zia ang prestihiyosong parangal dahil sa kanyang kahanga-hangang performance sa “Be the Guest” concert, kung saan itinanghal niya ang sariling rendition ng “Rise Up” ni Andra Day.
Proud na proud ang celebrity couple na sina Marian at Dingdong sa tagumpay ng kanilang anak. Ibinahagi ni Dingdong sa kanyang Instagram Story ang larawan ni Zia habang tinatanggap ang tropeyo sa entablado.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Zia ang kanyang voice instructor, si Teacher Jade, pati na rin ang kanyang mga magulang. “For mama, for always loving me and guiding me every step of the way,” saad ni Zia, na puno ng pasasalamat at pagmamahal.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod kay Zia, ginawaran din ng parangal sa nasabing event ang ilang kilalang personalidad tulad nina Julie Anne San Jose bilang “Entertainer of the Year,” Stell ng SB19 bilang “Best Collaboration in a Major Concert,” at Lea Salonga bilang “Best Female Artist in a Major Concert.”
Ang Aliw Awards, na itinatag noong 1977, ay patuloy na nagbibigay-pugay sa mga natatanging indibidwal at produksiyon sa local entertainment industry, patunay ng patuloy na paglago ng talento ng mga Pilipino.
Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.
Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng "Darna".
Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh