Mimiyuuuh, ibinida ang MRT ad: “Buong EDSA po ang makakakita!”
Ibinida ni Mimiyuuuh sa Instagram ang kanyang bagong achievement matapos lumabas ang kanyang ad sa MRT
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ayon sa kanya, hindi lamang billboard ang natupad kundi buong EDSA ang makakakita ng kanyang larawan
Ibinahagi rin ni Mimiyuuuh na ang unang hakbang sa pagma-manifest ay ang paniwalaang karapat-dapat ka sa mga pinakamagandang bagay sa buhay
Matagumpay na rin niyang natupad ang ilan sa kanyang pangarap tulad ng pagbili ng bahay, sasakyan, at paglalakbay sa Europe
Ibinahagi ng social media personality na si Mimiyuuuh ang kanyang pinakabagong tagumpay sa Instagram matapos lumabas ang kanyang ad sa MRT.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Mimiyuuuh, una niyang “na-claim” ang pagkakaroon ng billboard ngayong taon, pero mas higit pa ang natupad niya. “Ma, Pa, nasa MRT na ko! Literal na buong EDSA po ang makakakita ng ating bewan, ano po opo!” pahayag niya sa caption.
Nang tanungin siya ng isang follower kung paano siya nagma-manifest ng kanyang mga pangarap, sagot ni Mimiyuuuh, “The first step is believing that you are worthy of all the best things in life.”
Sunod-sunod ang mga tagumpay ng content creator sa mga nagdaang taon. Bukod sa kanyang bahay at sasakyan, nakapaglakbay na rin siya sa iba’t ibang bansa kasama ang kanyang pamilya. Nitong taon, unang beses niyang nag-tour sa Europe at binisita ang mga bansang Switzerland, France, Italy, Germany, at Netherlands. Ayon sa kanya, “Manifestation really works.”
Bukod dito, pinangalanan din ng sikat na designer na si Rajo Laurel ang isang gown bilang “Mimieux Dress” na inspired kay Mimiyuuuh.
Patuloy namang hinahangaan ng netizens ang kasipagan at dedikasyon ni Mimiyuuuh sa pagtupad ng kanyang mga pangarap para sa sarili at sa pamilya.
Sumikat si Mimiyuuuh noong 2019 matapos mag viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" video. Ito ang naging daan upang magkaroon siya ng mga endorsement at napabilang sa mga pinakasikat na social media influencers sa bansa.
Binahagi ni Mimiyuuuh ang isang virtual tour ng kanyang bahay. Sa video na kanyang binahagi, pinakita niya ang "modern Filipino" look ng bahay niya na gawa ng interior designer na si Madelaine San Jose. Ilan sa bahagi ng bahay niyang kanyang pinakita ay ang living room, dining area, pantry at ang kanyang kusina. Aniya, napagpasyahan niyang pagandahin ang bahay lalo at palagi naman siyang nasa bahay.
Kinaaliwan kamakailan ang post ni Mimiyuuuh na siya ang “Heart Evangelista jejemon variant." Marami ang naaliw sa post niyang ito sa social media kung saan makikita siyang nakasuot ng magarang OOTD habang siya ay nasa Japan. Maging si Heart ay nag-comment sa Instagram reel na ito na binahagi ni Mimiyuuuh.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh