Chito Miranda, nagbahagi ng madamdaming anniversary message para kay Neri Naig
- Nagbigay ng madamdaming mensahe si Chito Miranda para sa ika-10 anibersaryo ng kanilang kasal ni Neri Naig
- Ipinahayag niya ang pasasalamat sa Diyos sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Neri na inilarawan niyang mapagmahal at mabuti
- Hinangaan ni Chito ang kabutihan ni Neri sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nito sa buhay
- Nangako si Chito na aalagaan, poprotektahan, at mamahalin si Neri habang sila’y nabubuhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng madamdaming mensahe si Chito Miranda para sa kanyang asawang si Neri Naig bilang pagdiriwang ng kanilang ika-10 anibersaryo ng kasal. Sa isang Instagram post, ipinaabot ng bokalista ng Parokya ni Edgar ang kanyang matinding pasasalamat sa Diyos sa pagkakaroon ng isang asawang tulad ni Neri, na inilarawan niya bilang isang "wonderful, loving, at sweet" na tao.
"Mas mahal pa kita ngayon kesa nung una tayong nagmahalan," saad ni Chito, na sinabing siya ay pinakamasaya dahil kasama niya si Neri sa kanyang buhay. Inihayag din niya ang kanyang paghanga sa kabutihan ni Neri, na sa kabila ng mga hamon sa buhay ay nananatili pa rin ang kagandahan ng kalooban nito.
Dagdag pa ni Chito, pinasasalamatan din niya ang pagiging mabuting ina ni Neri sa kanilang mga anak at ang pagiging matatag nitong katuwang sa buhay. "I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo," wika ni Chito na puno ng pagmamahal.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang mag-asawa, na kilala sa kanilang simple ngunit matatag na pagsasama, ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa marami dahil sa kanilang pagmamahalan at dedikasyon sa isa’t isa.
Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.
Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh