Neri Miranda, dinala sa ospital matapos ang pagkakaaresto sa kasong syndicated estafa

Neri Miranda, dinala sa ospital matapos ang pagkakaaresto sa kasong syndicated estafa

- Dinala sa ospital si Neri Naig-Miranda matapos ang utos ng hukom mula sa RTC Branch 112

- Layunin ng ospital transfer na masuri ang kalagayan ng kalusugan at kabuuang kalagayan ni Naig-Miranda

- Nahaharap si Naig-Miranda sa mga kaso ng syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code

- Inaasahang gugugulin ni Naig-Miranda ang Pasko at Bagong Taon sa Pasay City Jail Female Dormitory

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Dinala sa ospital si Neri Naig-Miranda nitong Biyernes ng gabi, ilang araw matapos siyang maaresto kaugnay ng kasong syndicated estafa. Ito ay kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Jayrex Bustinera.

Neri Miranda, dinala sa ospital matapos ang pagkakaaresto sa kasong syndicated estafa
Neri Miranda, dinala sa ospital matapos ang pagkakaaresto sa kasong syndicated estafa
Source: Instagram

Ayon kay Bustinera, may court order na nagsasaad na kailangang dalhin si Naig-Miranda sa ospital para sa isang medical evaluation. "RTC Branch 112 ordered the BJMP to bring PDL Nerizza Miranda to a hospital for medical evaluation. She was transferred last 29 November at around 8pm," pahayag niya sa isang panayam sa Teleradyo Serbisyo.

Read also

Southern Police District, ipinaliwanag bakit kasama sa Top 10 Most Wanted si Neri Naig

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi rin niya na ang paglilipat sa ospital ay isinagawa ng BJMP dakong alas-8 ng gabi noong Nobyembre 29, na may kasamang 24 na security personnel.

Ang kahilingan para sa transfer ay mula sa mga abogado ni Miranda. Ayon sa utos ng hukom, kailangang i-assess ang kanyang kalagayan sa kalusugan.

Nang tanungin kung may iniindang karamdaman si Miranda bago siya makulong, sinabi ni Bustinera na dumaan ang aktres sa isang medical examination nang siya ay dumating sa BJMP. "May medical examination naman tayo pagdating (niya)," aniya. "Chinecheck naman natin bago pumasok sa BJMP. Normal naman."

Kasalukuyang nahaharap si Naig-Miranda sa mga kaso ng paglabag sa Securities Regulation Code at syndicated estafa. Bukod sa kanya, ilang kilalang personalidad, kabilang ang mga pulitiko, ang nasangkot sa kaso dahil sa umano'y pag-eendorso ng kumpanyang pinanggalingan ng reklamo.

Inaasahang mananatili si Naig-Miranda sa Pasay City Jail Female Dormitory ngayong Kapaskuhan, matapos ma-reschedule ang kanyang arraignment sa Enero ng susunod na taon.

Read also

Investment ng mga nagkaso kay Neri, umabot sa P89 M ayon sa abogado nila

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: