Claudine Barretto, sumagot sa mga komento kaugnay sa paghahanap ng bagong personal assistant

Claudine Barretto, sumagot sa mga komento kaugnay sa paghahanap ng bagong personal assistant

- Sinagot ni Claudine Barretto ang mga komento kaugnay ng kanyang anunsyo sa paghahanap ng bagong personal assistant

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

- Ipinaliwanag niyang kailangan niya ng PA na may karanasan sa accounting upang mag-ulat ng lingguhang gastusin

- Pinaliwanag din niya na may personal assistant na siya ngunit kinakailangan ng karagdagang tulong dahil magsisimula na siyang magtrabaho muli

- Pinuna niya ang mga reklamo ng netizens at hinikayat ang mga aplikante na pag-isipan munang mabuti kung kaya ang trabaho

Sinagot ni Claudine Barretto ang mga komento kaugnay ng kanyang anunsyo sa paghahanap ng karagdagang personal assistant (PA). Ang kanyang pahayag ay tugon sa mga netizen na tila may agam-agam sa mga hinihinging responsibilidad ng trabaho.

Claudine Barretto, sumagot sa mga komento kaugnay sa paghahanap ng bagong personal assistant
Claudine Barretto, sumagot sa mga komento kaugnay sa paghahanap ng bagong personal assistant
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Claudine, ang kanyang hinahanap na PA ay may kaalaman sa accounting at kayang mag-manage ng mga lingguhang ulat sa gastusin. Aniya, may CPA na siyang humahawak ng kanyang mga usaping pang-BIR, kaya’t ang pangunahing gawain ng PA ay iulat lamang ang mga resibo mula sa gastusin ng kanyang mga anak, groceries, at iba pa.

Read also

Coco Martin, nagtapon ng P11-M; ipinagawang bahay pinatibag

Sinabi rin niya na mayroon na siyang isang personal assistant, ngunit kinakailangan ng isa pa dahil magsisimula na siyang magtrabaho muli. “Ayusin lang ang schedule namin dahil may PA na ako. Kukuha ako ng isa pa kasi mag-start na work ko,” paliwanag niya.

Inamin din ni Claudine na night person siya kaya’t mahalaga sa kanya na ang makukuhang PA ay sanay sa puyatan, lalo na kung may mga pagkakataong magtutuloy ang trabaho sa mga shooting. “Minsan sasama sa shooting, more of making calls for me,” dagdag niya.

Isang komento mula sa netizen ang nagmungkahing kumuha siya ng dalawang tao upang hatiin ang trabaho sa bahay at accounting. Ayon sa netizen, posibleng mabigat ang mga trabaho kung isang tao lamang ang gagawa nito.

Tinugunan ito ni Claudine sa pagsasabing bago magreklamo ang mga aplikante, dapat munang pag-isipan kung kaya ang trabaho. Aniya, “Bago mag-complain, mag-isip muna. Kaya tayo di umuunlad, di pa nagwo-work ang dami ng complain.”

Read also

Sherilyn Reyes-Tan, na-scam ng P37M at pinagnakawan pa raw ng PA

Claudine Barretto, sumagot sa mga komento kaugnay sa paghahanap ng bagong personal assistant
Claudine Barretto, sumagot sa mga komento kaugnay sa paghahanap ng bagong personal assistant (@claubarretto/Instagram)
Source: Instagram

Samantala, patuloy ang aktres sa paghahanap ng angkop na tao para sa kanyang mga pangangailangan habang abala rin siya sa paghahanda para sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate