Coco Martin, nagtapon ng P11-M; ipinagawang bahay pinatibag

Coco Martin, nagtapon ng P11-M; ipinagawang bahay pinatibag

- Nagtapon si Coco Martin ng P11 milyon upang ipatibag ang bahay na ipinatayo niya para sa pamilya dahil sa mali sa disenyo

- Binigyan ni Coco ng tig-iisang bahay ang kanyang mga kapatid, ina, ama, at stepfather upang maging maayos ang kanilang pamumuhay

- Nagpagawa si Coco ng panibagong tirahan para sa pamilya sa isang village matapos magkaroon ng alitan kahit nasa iisang compound sila

- Tiniyak ni Coco na pantay ang trato sa kanyang mga kapatid sa trabaho at tahanan upang mapanatili ang respeto at disiplina

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz, inamin ni Coco na mahigpit siya pagdating sa trabaho, lalo na sa mga kapatid niyang sina Ronwaldo at Ryan Martin, na kasalukuyang bahagi ng teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Coco Martin, nagtapon ng P11-M; ipinagawang bahay pinatibag
Coco Martin, nagtapon ng P11-M; ipinagawang bahay pinatibag
Source: Instagram

Ayon kay Coco, walang espesyal na pagtrato ang dalawa sa set, at tiniyak niyang sumusunod sila sa tamang patakaran upang hindi masira ang kanyang reputasyon. “Ayaw kong mapahiya. Kapag may konting mali sila, sa akin magre-reflect,” ani ng aktor. Dagdag pa niya, magkaiba ang usapan kapag nasa trabaho at nasa bahay sila.

Read also

Coco Martin, may 'di magandang karanasan kaya ayaw i-celebrate ang kanyang birthday

Sa kabila ng kanyang pagiging mahigpit, ipinakita ni Coco ang kanyang pagiging maalaga sa pamilya. Binigyan niya ng tig-iisang bahay ang kanyang ina, ama, stepfather, at mga kapatid. Subalit hindi naging perpekto ang lahat. Sa una niyang ipinagawa, napansin niyang mas maliit ang mga kuwarto ng kanyang mga kapatid kumpara sa kanya, kaya’t pinatibag niya ito kahit pa umabot na sa P11 milyon ang nagastos.

“Nagtapon ako ng P11 milyon para lang baguhin. Gusto kong pantay-pantay ang trato, maayos at kumportable sila,” ani Coco.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin naiwasan ang mga alitan sa pamilya kahit nasa iisang compound sila. Dahil dito, nagdesisyon ang aktor na ipagawa muli ang mga bahay ng bawat isa, ngunit sa magkakahiwalay na lugar sa iisang village.

Ang solo niyang bahay, na tampok sa isang magazine, ay resort-style at kasama niya rito ang kanyang ina at ama na may magkahiwalay na tirahan. “Gusto kong buo ang pamilya ko, pero may mga hindi maiiwasang problema. Kaya ginawan ko ng paraan. Isa-isa ko silang ginapang para magkaroon ng sarili nilang maayos na bahay,” saad ni Coco.

Read also

Dimples Romana, pinasilip ang kanilang farm sa Alfonso, Cavite

Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si "Cardo Dalisay" sa hit action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano," na umere mula 2015 hanggang 2022.

Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa't isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate