Sherilyn Reyes-Tan, na-scam ng P37M at pinagnakawan pa raw ng PA
- Ibinahagi ni Sherilyn Reyes-Tan na na-swindle siya ng P37 milyon ng kanyang pinagkakatiwalaang business partner
- Determinado siyang panagutin ang business partner at inamin niyang pinaalis na niya ang personal assistant matapos ang komprontasyon
- Sinabi niyang lumobo ang pagkakautang ng business partner dahil sa pandemya at interes na umabot ng milyon-milyon
- Ikinuwento rin niya na pinagnakawan siya ng personal assistant na hinahawakan ang kanyang ATM at ginagamit ang kanyang mga gamit
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bukod sa pagiging biktima ng panloloko na umabot sa halagang P37 milyon mula sa pinagkakatiwalaang business partner, ibinahagi ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan na pinagnakawan din siya ng sarili niyang personal assistant (PA).
Sa panayam sa programang "Lutong Bahay" sa GTV na hino-host ni Mikee Quintos, emosyonal na ikinuwento ni Sherilyn ang sunod-sunod na dagok sa kanyang buhay.
Ayon sa aktres, nagsimula ang kanyang problema nang lokohin siya ng kasosyo sa negosyong pagbebenta ng mga high-end luxury bags. “For two years okay naman kami, pero nagkaroon siya ng challenges.
Hindi niya na-disclose lahat ng offers niya, at nadamay kami pati sa mga suppliers niya,” paglalahad niya. Ang inisyal na pagkakautang ay lumobo dahil sa interes, lalo na noong panahon ng pandemya, na umabot sa kabuuang P37 milyon. Determinado si Sherilyn na panagutin ang business partner, “Ipapakulong ko siya,” aniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa panloloko ng business partner, naibahagi rin ni Sherilyn ang karanasan niya sa pananamantala ng kanyang PA na nakaabot ng limang taon sa kanya. “Trusted ko siya kasi matagal na kami, hinahawakan niya pati ATM ko,” sabi niya.
Nalaman lamang ng aktres ang ginawang pagnanakaw nang mapansin niyang hindi nagbabalanse ang mga withdrawal sa kanyang ATM. Bukod dito, napansin din niya ang pagkawala ng kanyang mga personal na gamit tulad ng damit at bag, na natuklasan niyang ginagamit pala ng PA.
Sa kabila ng mga nangyari, nanatiling maayos ang naging pag-alis ng PA, ngunit hindi naiwasang magdamdam ni Sherilyn. “Tumawag pa siya sa akin, nag-‘I love you’ pa. Pero naisip ko, hindi na ito kabaitan, tanga na talaga,” ani Sherilyn na may halong biro ngunit seryoso sa kanyang naging desisyon.
Sa ngayon, patuloy na naghahanap ng hustisya si Sherilyn sa mga taong nanamantala sa kanyang tiwala, habang pinipilit bumangon mula sa matinding pagsubok na kanyang pinagdaanan.
Si Sherilyn Reyes-Tan ay isang aktres, dating TV host, at negosyante. Nakilala siya sa mga teleserye at pelikula noong dekada '90, kabilang ang kanyang mga role bilang supporting actress. Bukod sa showbiz, aktibo rin siya sa negosyo at madalas magbahagi ng mga personal na karanasan sa social media, lalo na tungkol sa kanyang pamilya at mga hamon sa buhay.
Ibinahagi ni Sherilyn Reyes-Tan ang kanyang karanasan na muntik na umano niyang ikinamatay. Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ng aktres ang pangyayari na nagdulot ng matinding takot sa kanyang pamilya.
Naikwento ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan ang kababalaghang naganap umano sa kanilang dating tirahan nang maging panauhin siya ng 'Mars pa More'. Nalaman ng KAMI na ito umano ang dahilan kung bakit kahit mahigit isang dekada na silang nakatira roon ay napilitan nila itong lisanin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh